Now I am 19 years old and eto 3 year college nako sa san Sebastian college. Sa school na to dito ko nafeel na di pala ako iba sa kanila. Maybe ako lang nag isip nun sympre bata pako nun hindi ko pa naiintindihan ang mga bagay bagay. Dito ko din nahanap ang kaibigan ko na si Layla siya ang maituturing ko na one call away friend. Pero may mga bagay ako na hindi masabi sa kanya lalo na yung sakit ko ayoko naman kasi na mag alala pa siya at kaawaan niya ko. Sabi nga nila "happiness is the right medicine". Kahit na ang hirap ng sitwasyon ko masama kung masyado akong magiging masaya, at masama din kung masyado akong magiging malungkot so dapat balance lang ang emotions ko. Laging nag tataka si Layla pag mag kasama kami bakit daw ang bilis kong mapagod. Sinabi ko nalang sa kanya na napagod akong mag linis ng bahay kagabi tinulungan ko si mom. Sabi niya ano palagi ka nalang nag lilinis ng bahay? Then hindi ko na sinagot ang tanong niya tumawa lang ako at sinabi ko sa kanya alam mo gutom lang yan. Halika punta tayong cafeteria lilibre kita ng paborito nating pag kain. Sabi ni Layla "hay nako tara na ano pang hinihintay mo?" sabay tawa.