VI

524 25 3
                                    

Nagulat ako ng. . .

Tumawag si mama.

"Seulgi?! Asaan ka ba anong oras na o!" sabi ni mama na napakalakas ng boses mabibingi yata ako.

"Ma, dito na po ako matutulog kela Irene."

"Ah ganon ba? Okay. Ingat ka dyan." sabi ni mama.

"Opo. Goodbye na po. Good night."

"Bye. Good night Seulgi." sabi ni mama sabay end ng tawag.

Nagulat ako ng kinalabit ako bigla ni Irene at sabay sabi ng "Seulgi di ako makatulog nood tayo ng movie."

"S-sige. pero diba may sakit ka?

"Eh gusto ko manood eh."

Ang harsh nito ni baby Irene.

"Sige na nga."

Sabay hinatak ako ni Irene pababa galingg sa kwarto nya.

"Anong movie ba ang papanoorin natin."

"Secret." tas tumabi sya sa saakin dito sa couch nilang malambot.

Bigla nyang siniksik ang sarili nya sa katawan ko na ikinagulat ko. Bumilis bigla tibok ng puso ko.

Nang mag start na ang movie. Mas lalo nyang siniksik ang sarili nya saakin.

Yun pala horror ang papanoorin.

Nakakatuwa syang panoorin. Pati ang nakakabingi nyang tili ang cute pa din.

Di ko namalayan nakatitig lang pala ako sakanya.

"Staring is rude." sabi ni Irene habang titig na titig parin sa TV.

"Sorry." pahiya ko pang sinabi.

She chuckled.

Sinandal nya ang ulo nya sa balikat ko at sabay humikab.

"Antok ka na. Tulog na tayo." sabi ko habang nakatitig parin sakanya.

"Okay. Tara."

Linigpit na namin yung kalat namin at umakyat sa kwarto nya.

At Irene's room

Nakahiga na kami sa kama nang bigla nya akong tawagin.

"Seulgi."

"Oh?"

"Goodnight." sabay yinakap nya ako. "At ang fluffy mo." sabi nya pa.

Di ko alam yinakap ko na parin sya. "Goodnight din, sweetdreams."

Nakita ko tulog na pala sya.

Kinuha ko phone ko at pinicturan sya habang natutulog.

Nagulat ako nang bigla syang dumilat at kumunot pa ang noo.

"Pinipicturan mo ba ako? Akin na yan!" trina-try nya kuhanin saakin ang phone ko kaso hindi nya maabot dahil tinaas ko ang mga kamay ko.

Bigla nya akong kiniliti kaya kiniliti ko na rin sya hanggang sa nahulog na kami sa sahig.

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa posisyon namin.

Sya nasa baba at nasa itaas nya ako.

At unting galaw nalang ng labi namin ay maari na kaming maghalikan.

Nagulat ako ng bigla nya akong halikan.

Nanlaki ang mga mata ko non kasi nga na shook ako di ko alam na hinalikan ko narin pala sya pabalik.

Tinigil na namin dahil di na kami makahinga.

Nararamdaman kong namumula na ang mukha ko kaya agad akong nagtago sa kumot, alam kong nag mukha akong tanga non kaya pinagtawan ako ni Irene.

"What just happened?" sabi ko habang nakatago parin sa kumot.

"Hinalikan mo ko." sabi ni Irene.

Agad akong bumangon. "Ikaw kaya yon!"

"Oo na matulog na kaya tayo." "At hug mo ako" sabi nya habang nagpapacute.

Dahil malandi ako. Di ko sya natiis kaya yinakap ko sya.

"Seulgi, gusto kita." nanlaki nanaman ang mga mata ko nang narinig ang sinabi nya.

"Wag ka ngang mag joke." sabi ko na may halong kaba at saya.

"Di ako nagloloko. Sino ang di magkakagusto sayo? Ngiti mo palang nakakamatay na." sabi nya habang nakangiti at nakatitig sa mga mata ko.

"Ikaw."

"Pffft. Matulog na tayo. Good night." sabi nya at hinalikan ang pisngi kong ngayon ay namumula na.

"G-good night d-din." Hala shet bat ako nauutal.

Tumawa nalang sya ng mahina hanggang sa makatulog na kaming dalawa.

Crush • SeulreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon