July 12, 2017 (Wednesday)
8:15 pm"Lola! Lolo! Nandito na po ako!" bungad ko sa kanila pagka-uwing pagka-uwi ko
"Ate! Mabuti naman at nakauwi ka na, magpapatulong kami sa paggagawa ng project namin." Natutuwang sabi ni Mira habang papalapit sa akin
"Oo nga ate ang hirap ng project namin ang daming gagawin." Ani Mara na papalapit na rin sa akin
Nang makalapit ang dalawa ay niyakap nila ako ng mahigpit na para bang kay tagal kong nawala.
"Yii. Ang sarap naman ng mga yakap nyo!" At niyakap ko rin sila pabalik
Nang makabitaw na kami sa pagkakayakap ay bumalik na sila sa kanilang pinagkaka-abalahan.
Tumungo ako sa direksyon nina lola at lolo at nagmano "Asan po si nanay?
"Ang nanay mo nasa bahay ni Aling Leni pa, hindi pa yata tapos sa paglalabada." Salaysay ni lola habang abala sa pag-aayos ng kanyang paninda
"Apo, kumusta?" Tanong ni lolo sa akin habang nanonood ng palabas sa tv
"Ayos naman po, lo. Kayo po ba? Kumusta po pasada nyo ng jip?"
"Hay eto, apo, medyo matumal ang kita pero ayos na. Kakaunti kasi ang pasahero ngayon hindi tulad kahapon."
"Ayos lang po yun, lo. May bukas pa naman di ba?"
"HABANG MAY BUHAY, MAY PAG-ASA!" Sabay-sabay namin sambit
"Hahahahahahahahahaha!"
Nakakatuwa lang, iyon kasi ang kasabihan ng pamilya namin. Hindi dapat basta basta sumusuko. Dahil hangga't may bukas, wag mawalan ng pag-asa.Matapos iyon ay nagtungo ako sa kusina upang tignan kung may pagkain na bang ihahain para sa hapunan mamaya. Nadatnan kong isang pirasong galunggong na lang ang natira mula kaninang umaga at tanghali.
"Mira at Mara, anong gusto nyong ulam? Bibili na ako para mailuto na." Tanong ko habang naghahanda ng isasaing.
"Ate gusto ko hotdog!" Ani Mira
"Ako rin ate gusto ko hotdog!" Pag gaya ni Mara"Nako Mara gaya-gaya ka talaga." Pang-aasar ni Mira
"Hayaan mo na Mira, nilalambing ka lang nyan ni Mara. Haha!" Hay nako, ito talagang kambal na ito
"Biro lang ate. Di ba Mara? Hahaha!"
"Oo nga ate. Favorite kaya namin yon!" Pagsang-ayon ni Mara sa pagbibiro ni Mira
"Oo na. Nako kayo talagang dalawa! Ang kukulit nyo ha!" Makulit man itong dalawang ito, nakakawala naman ng pagod. Haaaaay
"Nasaan nga pala ang kuya nyo?" Pagtataka ko. Aba gabi na hindi pa rin umuuwi?
"Baka nasa computer shop pa siya ate, kasama mga kaibigan nya." Ani Mira
"Oo nga ate. Palagi na lang ginagabi yon pagkokompyuter!" Kunot-noong sambit ni Mara habang naggugupit ng papel
"Hay nako yung kuya nyo talaga. Pagsasabihan ko mamaya yon." Ano na naman kaya pinagkaka-abalahan ni Kael?
"Kayo po, la? Ano po gusto nyo?"
"Gulay na lang apo, bili ka na lang kila Aling Tina."
"Sige po. Mira at Mara, bantayan nyo yung sinaing, ha. Bibili lang ako ng ulam sa tindahan. Babalik kaagad ako, wag nyo kalimutan." Kumuha ako ng pera mula sa aking pitaka at nagtungo na ako sa tindahan
BINABASA MO ANG
THE PROMISE
General FictionA tragic moment could lead to start something magical and wonderful love story.