Chapter 2.1 - Puting Panyo

2 1 0
                                    

July 13, 2017 (Thursday)
7:55 pm

Ilang minuto na lang ay matatapos na ang shift ko. Naghanda na ako ng gamit ko para makauwi ako kaagad.

"Shaina, ikaw na bahala dito, ha." Sabi ko sa kanya habang tinatanggal ang hair net sa buhok ko.

"Sige, Eli ako na bahala. Basta umuwi ka na kaagad ha! Ingat ka." Pagsang-ayon niya sa sinabi ko at nagpatuloy na sa pagluluto.

"Osya. Uwi na ko ha! Kita na lang tayo bukas! Paki-sabi na lang kay Mariz na mukhang busy sa pagkuha ng order. Hahaha!" Kinuha ko na ang bag ko at akmang lalabas na ng kusina "ba-bye! Ingat kayo!"

"Ba-bye! Ingat ka rin sa pag-uwi!" Pagkaba-bye nya ay lumabas na ako

Pagkalabas ko ng kusina ay nagdiretso na kaagad ako palabas ng fast food ng biglang, "ay ano ba yan! Kung kelan naman ako uuwi saka lalakas ang ulan. Tsk! Wala pa naman akong dalang payong." Ang timing naman ng panahon. Bakit naman kasi sa lahat nang makakalimutan ko, payong pa! Wala pati akong makitang tricycle sa labas. Nako, ang dami ko pang gagawin sa bahay pagka-uwi ko. Sana naman tumila na rin kaagad iyang ulan na 'yan. Huhuhu!

8:03 pm

Umupo muna ako sa bakanteng upuan na naka-ayos sa pang-dalawahan na lamesa sa may sulok ng fast food, ngunit malapit lang ito sa may pintuan. Itetext ko na sana si Nanay para magsabing hindi kaagad ako makakauwi dahil sobrang lakas ng ulan nang makita kong may tumatawag sa phone. "Hello po, Nay. Bakit ka po napatawag? Hindi po muna ako makakauwi kasi sobrang lakas pa po ng ulan, wala po akong dalang payong."

"Hello, Eli anak! Nandito kami sa ospital ngayon. Ang lolo mo inatake na naman sa puso." Bigla na lamang nanlambot ang tuhod ko at nanlamig ang buong katawan ko

"Ha? Saan pong ospital? Sino po kasama mo dyan, Nay? Kumusta na ang lagay ni lolo ngayon?" Diyos ko. Kailangan na kailangan po namin ang tulong Mo ngayon.

"Dito, nak, sa San Mateo Provincial Hospital. Ang lola mo ang kasama ko ngayon dito sa ospital. Salamat sa Diyos at naisugod kaagad ang lolo mo. Mabuti at naagapan daw kaagad. Pero anak, sabi ng doktor kailangan na raw operahan ang lolo mo baka lumala pa ang sitwasyon nya."

"Sa San Mateo Provincial Hospital po? Hay nako, nay, mabuti naman po at naasikaso kayo agad diyan sa ospital na 'yan? Hindi ba po ang bagal ng mga tao diyan? Parang pang hindi mga propesyunal?"

"Nako, nak. Mabuti na nga lang talaga at may isang nars dito na napakabait at maasikaso kaagad. Kakalipat lang siguro nito. Sana ay dumami pa ang katulad niya."

"Oo nga po, nay. Nako, kapag nagkataon po, magiging maayos ang operasyon ng ospital na iyan at mababawasan ang mga taong magrereklamo. Maiba po ako, magkano naman po kaya ang aabutin para sa pagpapa-opera kay lolo?"

"Sabi ng doktor, maghanda raw tayo ng hindi bababa sa isang daang libong piso, anak. Susmaryosep! Saan namang kamay ng Diyos tayo kukuha ng ganoong kalaking pera?" Sabi ni nanay na kanina pa nanginginig ang boses at sa tingin ko ay pinipigilan niya lang umiyak. Saan nga naman kami kukuha ng ganoong kalaking pera? Eh isang kahig isang tuka lang naman kami, kung minsan nga kinukulang pa.

"Huminahon po muna kayo, nay. Manalig lang po tayo dahil alam naman po natin na hindi tayo pababayaan ng Diyos."

Naririnig ko na mula sa kabilang linya ang mga hikbi ni nanay, "Oo anak hindi naman ako nawawalan ng pag-asa. Pero paano tayo magkakaroon ng ganoong kalaking pera? Hindi natin kayang kitaain iyon, anak."

THE PROMISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon