Chapter 2.2 - Puting Panyo

3 0 0
                                    

8:40 pm

Sumakay na ako sa kotse at pinaandar na niya ito kaagad. Tinext ko naman si nanay at sinabing papunta na ako sa ospital.

"San Mateo Provincial Hospital, right?" pagsisimula niya ng pag-uusap

"Oo. Teka, paano mo nalaman? Hindi ko naman sinabi sa'yo kung saang ospital ah?" pagtataka ko

Sa pagkakatanda ko, hindi ko naman nasabi sa kanya kung saang ospital nandun si lolo.

"Ah, just heard it. Narinig ko kanina nung may kausap ka sa phone." pagpapaliwanag niya habang nakatingin sa daan

Ano ba? Bakit ang cool niya tignan? Waaah

"Chismoso ka ano? Hahahahaha charot lang."

"No I'm not!" Depensa niya "Ang lakas kasi ng boses mo. Hahaha!"

"Hala malakas ba talaga o charot lang?" Seryoso ba siya? Nakakahiya huhu

"No I'm just kidding. Like I told you earlier, ako lang nakarinig nun." Salaysay niya "wait, what's charot?"

"Charot? Hahahaha it means 'joke', ganern." Sabi ko, may kasamang pagkumpas pa ng kamay

"Joke ganern?" Sa sobrang pagtataka niya ay napatingin siya sa akin

"Ibig kong sabihin, charot means joke." Di mo ba gets kyah?

"Aight. Got it. So.. What's ganern?"

Seryoso ba 'to sa tanong niya? Hindi niya talaga knowings?

"Ganern means ganon. Okay? Beki languange, you know?" Haba ng pag-eexplain kay kuya oh! "Teka, wag mong sabihin hindi mo alam yung 'beki language'?"

"I know what gay language is. I'm just not familiar to those other words like you said earlier. I don't know, I'm just, I mean it's kind of confusing." Sabay kibit bakilat niya habang nakatingin sa daan

Traffic. Umuulan pa. Kaya matatagalan kami nito. Hay, Pilipinas. Paano ka uunlad?

"Wait, wala ka bang friends na beki?"

"I know some people. But they're not my friends."

"Pero nakaka-usap mo sila?"

"No"

"Bakit?"

"Nothing."

"Ayaw mo ba sa kanila? I mean, sa mga beki?"

"They're okay, for me. But sometimes it is hard for me to have friends like them."

"Bakit naman?" Pagtataka ko

Ano naman mahirap kung magkakaroon ka ng kaibigan na beki?

"It's just that, sometimes they flirt with me. And.."

"And ano?" Pagsingit ko

"And I don't like that, not because I don't want them to be close with me or what. I just want them to be my friends, but they don't want the idea tho."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 15, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE PROMISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon