chapter 6

155 7 0
                                    

CHAPTER SIX

SOBRA na talaga ang galit ni Renize kay Denver.  Ginulo nito ang birthday celebration niya na treat ni Jeffrey sa kaniya. 

Wala na talaga siyang balak mag-celebrate dahil nasa hospital ang mama niya at wala rin naman siyang pera para makapag-celebrate pa. Sinorpresa lang siya ng mga kagrupo niya. Matapos ang gig nila ay hindi pumayag ang mga ito na hindi siya sumama sa bar na iyon.  Ramdam niya naman ang effort ng mga itong libangin siya kasi alam naman ng mga ito ang lahat ng problema na kinakaharap niya ngayon. 

Pero ang demonyong Denver na iyon, nanggulo na naman sa kabila ng pangako nito sa sir Ronnie niya kanina na hindi siya guguluhin nito. Kailangan na siguro ay ipaalam niya kay sir Ronnie niya na ginulo na naman siya nito ngayon para kausapin na nito ang daddy ni Denver.  Nais niyang matigil na ang panggugulo nito sa kaniya.

DINATNAN NA ni Ronnie si Renize sa classroom. Bumati ito sa kaniya ng ngiti nang makita siya nitong pumasok doon.  Sigurado siyang hindi siya nakita nito kagabi kasi walang nabago sa kilos nito. Kung nakita kasi siya nito ay tiyak niyang mahihiya ito sa kaniya ngayon.

Hindi niya alam kung bakit hirap siyang alisin ang paningin niya kay Renize.  Naiintriga talaga siya sa babaeng ito.  Lagi niya itong nakikita sa hindi kaaya-ayang sitwasyon pero bakit lalong lumalaki ang interest niya dito.

Naalis niya lang ang mata niya dito nang marinig niyang nagbulungan na ang buong klase niya.  Nakatitig na lang pala siya kay Renize.

Agad niyang sinimulan ang klase. 

Sa buong panahon ng pagtuturo niya ay nakatuon ang attention niya sa reaction nito.  She was smiling and nodding, acting as if she was truly paying attention. Hindi niya alam kung naiintindihan naman ba nito ang itinuturo niya. 

Madalas magtama ang paningin nila nito pero hindi na ito nagbababa ng tingin gaya kahapon.  Kayang-kaya nitong salubungin ang kaniyang mga tingin ngayon.

Nakakatawa pa ngang isipin na siya pa itong nagbabawi ng tingin ngayon sa tuwing magtatama ang kanilang mga mata.  Nahuhuli niya ring napapangiti ito sa tuwing nagiging malikot ang kaniyang mata. 

This girl must be very naughty!

Nagpa-quiz siya pagkatapos niyang magturo para masiguro niyang kung may natutuhan ba ang mga estudyante niya sa lesson na itinuro niya kanina. 

Mangilan-ngilan lang ang naka-perfect ng quiz na ibinigay niya pero kasama na doon si Renize. 

Hindi niya maintindihan kung bakit ikinatuwa niyang malaman na nakikinig naman pala ito sa mga itinuturo niya.

Nakikipag-participate din ito sa class discussion nila kanina at magaganda ang mga point of views nito.  Nakikita niya naman ang pagpupursigi nito sa pag-aaral.  Nakikita niya rin ito na nagpupunta sa library kaya tiyak niyang gumagawa ito ng assignments doon. 

Nakausap niya ang ibang mga guro nito kanina upang malaman kung ano ang masasabi ng ibang mga guro nito dito.  Nasabi ng mga iyon na matalino nga raw ito.

Kahit naman pala gumigimik ito sa gabi ay hindi naman nito pinababayaan ang pag-aaral.

NAG-BELL na kaya unahan na sa pagtayo ang mga estudyante.  Napansin niya si Renize na naiwan pa sa upuan nito. May kinakalkal pa ito sa bag nito. 

Inayos niya na rin ang kaniyang mga gamit na nagkalat sa mesa para maayos iyon bago siya pumunta sa canteen para magmirienda.

Napaangat ang ulo niya nang may ipinatong ito sa mesa niya nang matapat ito doon.

“What is this?”  Tanong niya dito.

Ngiti lang ang isinagot nito sa kaniya bago ito nagpatuloy sa paglabas sa classroom.

I love you sir  (Naughty girl Part 2) Chapter 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon