chapter 4

172 6 0
                                    

CHAPTER FOUR

NASA AUDITORIUM sina Renize dahil PE nila kaya kasalukuyan silang gumagawa ng ilang physical exercises.

Kumabog ang dibdib niya nang makitang bumungad sa pinto ng auditorium ang sir Ronnie niya kasama ang third year teacher na si Teacher Marla.

Nawala siya sa routine nang makita niyang napatingin ang guwapong teacher sa kaniya. Hindi lang kasi ito basta napatingin lang.  Napako ang mata nito sa kaniya. 

Sa dami ba naman nilang estudyanteng naroroon, sobrang nakakalaki ng butas ng ilong ang mapansing sa kaniya nakatuon ang eyeballs nito. Feeling niya ay hihimatayin siya sa kaba.

“What are you doing Renize?”  Narinig niya ng baklang PE instructor nila na si Sir Andy.

Napatingin ang lahat ng kaklase niya sa kaniya kasi nakatunganga na lang pala siya habang nakatayo na parang statue of liberty kasi nakataas pa pala ang isang kamay niya.  Iyon kasi ang huling position niya nang mahuli niyang nakatingin sa kaniya ang guwapong teacher nila.

Napatingin siyang bigla kay Sir Ronnie at nahuli niya ang pagtawa nito at pag-iling.  Napansin ba nitong natutulala siya sa tuwing nakikita niya ito kaya pinagtatawanan siya ngayon nito?

Naramdaman niya ang pag-akyat ng init sa buong mukha niya.

NAKAUPO si Ronnie sa pasamano ng veranda sa bahay nila habang hawak ang kaniyang gitara.  Katatapos nilang naghapunan kaya lumabas muna siya sa veranda para magpahangin habang tinutugtog ang kaniyang gitara.  Mahusay siyang gumamit ng instrumentong iyon.  Marami na rin namang nakapagsabi sa kaniya na maganda rin ang boses niya.  Sa tuwing may mga kasiyahan nga ay madalas siyang nahihilingang kumanta.

“Ang ganda pa rin ni Marla ano?”  Naupo ang mommy niya sa tabi niya. 

Naitigil niya ang pag-strum ng kaniyang gitara. Tiningnan niya ang kaniyang mommy.  Nabawasan din ang timbang nito sa pagkakawala ng kaniyang ama.  Bagaman hindi naman ito iyong sobrang na-depressed ay halata pa ring nanamlay ito.

“Uhm..”  Tugon niyang nginitian ito. 

“Uhm lang ba ang masasabi mo?  Halata namang gusto ka pa rin no’ng tao. Nakita ko kanina kung paano siya nag-blush kaninang kinindatan mo siya.”

Napalakas ang tawa niya.  Napansin pala nito iyon.

“Bakit ‘di mo kaya ligawan si Marla tutal wala naman na kayo ni Miley?”  Hinaplos pa nito ang likod niya.

Si Miley ang girlfriend niya sa Canada pero nagkalabuan din sila nito.  Marami silang hindi napagkakasunduan nito kaya nagpasya silang maghiwalay na lang nito.

“Bakit nga ba hindi?”  Aniyang tatawa-tawa.  Alam niya kasing liligaya ang mommy niya kung liligawan niya si Marla.  Noon pang high school sila inirereto nito sa kaniya si Marla.  Kumare kasi nito ang mama ng dalaga.

Nagsalubong ang kilay nito.  “Huwag mong daanin sa biro Ronnie.  Ang totoo, gusto ko sana na si Marla ang mapangasawa mo.”

Nalaglag ang panga niya.  “Bakit asawa naman agad, mom eh di ba dapat, ligawan ko muna?” 

“Hmp! Sinabi ko bang asawahin mo agad?”  Humalukipkip ito habang nakairap ito sa kaniya.

Ibinaba niya ang kaniyang gitara sa pasamano at niyakap niya ito.  “I think I would consider going out with her for a date para lumigaya ka naman.  Pero hinay-hinay lang muna ako mommy ha?  Sugatan pa ang kalaban kaya hindi pwedeng sagarin.”  Aniyang itinuro ang tapat ng kaniyang puso.  Bago lang kasi ang hiwalayan nila ni Miley.  Bago lang siya umuwi dito sa Pilipinas sila naghiwalay nito.

I love you sir  (Naughty girl Part 2) Chapter 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon