chapter 3

203 6 1
                                    

CHAPTER THREE

IPINAKILALA si Ronnie ng mommy niya sa mga faculty and staffs sa unang araw niya sa university.  Ito ang kaniyang Alma mater.  Gru-ma-duate siyang cumlaude sa paaralang iyon, more than five years ago.

More than five years?  Has it really been that long? 

Napailing pa siya nang mapagmuni-muni na gano’n na pala katagal iyon. Mahigit limang taon na nga pala ang nakakalipas buhat noon.  Malaki na rin ang ipinagbago ng dating unibersidad.  Marami ng building ang naidagdag doon.  Kapansin-pansin din ang magarang auditorium na nakatayo sa gitnang bahagi ng campus. 

Wala pa ang auditorium na iyon noong nag-aaral pa siya doon. Dating playground ang bakanteng lote na iyon. Tandang-tanda niya na doon sila dati naglalaro ng baseball kasama ang kaniyang teammates. Inilalaban noon ang team nila sa mga inter-school competition at madalas silang mag-champion.  Napansin niya rin na nadagdagan na ang ng ilan pang bagong tayo na buildings ang loob ng campus. 

“Remember me?” 

Napatingin siya sa pinanggalingan ng tinig.  Isang magandang babae ang nakita niyang nakangiti sa kaniya.  May kislap sa mga mata nito. 

He had noticed that she smiled at him with a genuine smile that could only be generated by someone who was truly happy to see him.

“Huwag mong sabihing nakalimutan mo na siya?”  Tumatawang kantsaw sa kaniya ng mommy niya.

Ilang saglit niya lang hinagilap sa isip kung sino ito at agad niya rin namang naalala ang pangalan nito.  “Marla?”  Aniyang hinagod ito ng tingin. 

Ang laki na ng iginanda nito ngayon.  Maputi na ang balat nito gayong noon ay kayumanggi ito.  Kung hindi lang dahil sa nunal nito sa noo ay hindi niya ito makikilala.

“Buti na lang!”  Tila nakahinga ito ng maluwag nang banggitin niya ang pangalan nito.  “Akala ko di mo na ako natatandaan.”

“Ikaw pa, makakalimutan ko.”  Aniyang tinapik ang balikat nito.

“Magtatampo talaga ako sa iyo kung hindi mo ako natandaan.”  Anitong inirapan siya.  Na-kyutan niya ang ginawa nitong pag-irap sa kaniya. 

Naalala niya tuloy noong magkaklase pa lang sila nito. Lagi siyang iniirapan nito ng gano’n.  “Who will forget you anyway?  Ikaw ang lagi kong ka-debate sa klase.”

Natawa rin ito.  “Ewan ko ba naman kasi sa iyo.  Wala ka na kasing inayunan sa mga kaisipan ko.”

“Did you hate me because of that?”  Tanong niyang dinampot na ang kaniyang bag dahil malapit na ang oras ng pagsisimula ng klase.

“Matagal na iyon.  Mga bata pa tayo no’n.”  Tumatawang tugon nito.  “I’m glad napapayag ka ni ma’am na magturo dito.”  Isinukbit na rin nito ang shoulder bag na dala nito.

“Hindi ako kayang tanggihan niyan Marla.”  May pagmamalaki namang pahayag ng mommy niya habang tumatawa.

Sinabayan niya ito ng pagtawa.  “Malakas siya sa akin eh.” 

Napatingin ang mommy niya sa relo nito.  “Room 104 ang unang klase mo, Ronnie.”  Bilin sa kaniya ng ina.  “Ihahatid na kita sa classroom mo.”  Anito.

Umiling siya.  “Ituro mo lang kung nasaan ang room ko at ako na ang bahala.”  Kung hindi niya sana mommy ang dean ay okay lang na ihatid pa siya nito sa room niya, kaso ay alam ng mga co-teachers niya na anak siya nito.  Ayaw niyang magmukhang pre-schooler na inihahatid ng magulang sa classroom niya.

Natawa pa si Marla dahil mukhang napalakas ang pag-iling niya.  “Hindi ka pa rin talaga nagbabago Ronnie, you’re still the same independent Ronnie I’ve known long time ago.”

I love you sir  (Naughty girl Part 2) Chapter 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon