[ 2 ] Sorry
SKY'S POV
1 week na ang nakakaraan nung may nangharana sa katapat ng bahay namin. This past few days rin sa tuwing makikita ako nina dad,mom at kuya nagso-sorry sila sakin. Minsan din pinapadalhan nila ako ng breakfast na may letter pa.
Ako naman balak ko na rin silang patawarin. Kahit papaano naman kasi magulang at kapatid ko pa rin sila.Breakfast na namin ngayon. Sunday ngayon.. Noon nung nandito pa ako at wala pa yung Annie na yun,tuwing Sunday nagkakaroon kami ng outing.. Pero simula nung dumating yung Annie na yun. Hindi na ako yung atensyon nina mom.. Nasa sa kanya na..
"Ahm.. Mga anak gusto niyong mag-outing tayo? It's Sunday today.." dad
"Sige dad!" masiglang sabi ng plastic na si Annie.
"Sure.. Wala naman akong gagawin eh" Kuya Tyler
"Sige.." sagot ko lang. Kita ko ang saya sa mata ni mom and dad.. Kasi pumayag ako.
Kumain na kami.. Nang tanungin ako ni mom..
"Sky,pasukan na next week.. nakahanap ka na ba ng paaralang papasukan mo?" tanong niya sakin.. oo nga noh? Hindi pa rin ako nakakahanap eh..
"Ahm..wala pa po" sagot ko lang.
"Pwede ka naming ipasok sa paaralang pinapasukan ng kuya at Ate mo ngayon,okay lang ba sayo?"
"O sige po" sabi ko tapos ngumiti ako. Naging teary eye si mom doon.
Pagkatapos naming magbreakfast inayos ko na yung mga gamit ko. Pumasok naman si Kuya Tyler.
"Sky?" sabi niya lumingon ako sa kanya at ngumiti.
"Kuya" sabi ko tapos dali-dali akong tumakbo papalapit sa kanya at niyakap siya.
"Kuya,I'm sorry sa mga sinabi ko"
"Shhh.. Naiintindihan ko. Kasalanan naman namin eh. Pero Sky,wala ka manlang bang natanggap na mga sulat o emails galing samin?"
"Ha? Wala po.."
"Eh kung ganun.. San napunta ang mga yun?"
Teka,ibig sabihin nagpapadala sila sakin ng mga sulat at emails? May hinala na ako kung sino.. Psh! Kaya pala ngiting-ngiti pa siya nung sinisigawan ko sina mom.
"Kuya mapapatawad mo pa ba ako?"
"Kami dapat ang humingi ng tawad sayo,Sky.. Ang hiling ko lang sana pakinggan mo ang explanations nina mom.. They felt sorry for what they've done din naman eh. Narealize nila yun nung wala ka na.. Kung alam mo lang kung gano ka kamiss nina mom.. They try to call you pero wala daw eh.. Mukhang nagpalit ka na rin ng phone number.."
May nagpalit ng sim ko.. bago ako umalis ng Pilipinas. D—amn! Kaya pala iba ang galaw nung babaeng yun 4 years ago.. Humanda ka talaga sakin.. Magsaya ka ngayon.. Dahil ilang araw nalang at aalis ka na sa pamamahay na toh.
"Opo kuya" sagot ko nalang tapos bumaba na kami ni Kuya.
Nakita naming nagre-ready na sina mom and dad. Lumapit sakin si mom tapos inakay niya ako papasok sa van. Katabi ko si mom at si kuya. Bale,napapagitnaan nila akong dalawa.
Nagsisimula na kaming bumalik sa dati ni mom. Yung dating wala pang Annie sa buhay namin. Si Annie naman inis na inis.. Haha! Sige lang.. mainis ka lang.. gaya ng sabi ko sayo,lahat aagawin ko.
BINABASA MO ANG
Legendary Gangster Princesses and Legendary Mafia Princes [DREAME]
Mystery / Thriller"Love is not what mind thinks. But what the heart feels" The story of Legendary Gangsters and Mafias that will kill each other just for the sake of their revenge to one another. But can they kill each other? If they love each other? [DREAME] LGPALMP...