CHAPTER ONE

5 1 0
                                    

A/N: I wanna say 'Hi!' to my beautiful friend, Nicole. Thank you for all your motivations in my story. You can read some of her stories. You can visit her profile - whitemoon13

Credits: http://www.brightside.me/
http//:www.kizoa.com

---

[AUGUSTUS' POV]

🗿🍞

MADIIN KONG inapakan ang preno ng minamaneho kong dyip. Pagkababa ng isang matandang pasahero ay pinasibad ko na agad ang aking sasakyan na minana ko pa sa lolo kong napakagwapo. Walang halong biro mga 'tol, birthday gift niya talaga sakin itong dyip na mas nauna pang naipanganak sa mundo kaysa sakin. Heirloom daw ito ng aming pamilya dahil nagdaan na ito sa tatlong henerasyon.

"Pards,alam mo bang sinagot na ko kahapon ni Tasha Marie? 'Yung magandang nag-iihaw ng betamax sa may kanto! Ang kinis ng legs at ang laki ng future! Pero mas type ko talaga ang mga conservative gaya ko."

Tiningnan ko ng masama si Rocco na masayang nagke-kwento tungkol sa bagong love life niyang walang kwenta. Sipain ko siya palabas eh. Bakit ba nasa front seat ang ogag na ito?

"Tapos may libre pa kong bituka at pakpak ng manok kaya ayun ginawa kong ulam kanina..."

Tahimik lang ako habang nakatutok ang mata sa daan. Pinahiran ang aking noo na tagaktak ang pawis. Bwisit na taong 'to, di marunong makiramdam.

"...nakakatipid ako sa pagkain kaya yung budget ko sana sa foods pinambili ko na lang ng Gatsby..."

Di rin nauubusan ng laway. Wala bang duty sa presinto ang mokong na ito? Hindi siya takas na preso mga kapatid. Isa ho siyang pulis na hindi naisasara ang bunganga.

"Nakikinig ka ba,Gus?", tanong niya

"Tumahimik ka,Rolando Corazon"

"Aray naman,pards. Ang panget nga ng pangalan ko eh pero at least nabawi sa mukha! Pwahahaha!"

Hindi ko na siya pinansin dahil kung papatulan ko ang walang kwenta niyang hirit ay masapok ko siya sa noo. Badtrip ako ngayon eh. Abnoy pa naman ito pero may gamit din naman. Siya taga-tanggap ng bayad at taga-sukli sa mga pasahero.

"Mukha kang sandok. Gusto mo ba talaga iyang anak ni Aling Tessie Marie?", tanong ko pagkahinto sa tapat ng isang sikat na unibersidad

"Sakto lang. Para lang may libre akong ulam araw-araw. De biro lang hahaha"

Kumunot ang noo ko. Pangarap pa atang magka-hepatitis ng gunggong.

Napaisip naman ako sa pamilya ni Aling Tessie Marie na puro may 'marie' ang pangalan. Asawa niya si Mang Joemarie at anak nila sina Tasha Marie, Taira Marie at Tekka Marie.

Alam ko ang paborito nilang pagkain, yung biscuit na 'Marie'. Ha-ha-ha. Alam niyo 'yun? Okey fayn.

"Kuya ang gwapo mo naman. Anong pangalan mo?",tanong ng isang dalagang pasahero sa akin sa likod

Tumawa ako,"Daniel Padilla"

Only Man [Fontanelle Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon