CHAPTER TWO

3 0 0
                                    

[AUGUSTUS' POV]

🗿🍞

"A-A-ARAY! Mama naman eh!", nakanguso pa ko niyan. Eh sa mahapdi iyong mga sugat ko sa mukha eh. Humanda talaga iyong mga tarantadong iyon sa akin pag gumaling na mga sugat ko. Ang pinakamamahal kong mukha. Mahal pa naman ang Master kina Aling Diday.

Huwaw! Parang may nagawa ako kanina?

"Huwag mo kong ma-Mama Mama diyan, Augustus." masungit niyang pahayag saka diniinan na naman ang sugat ko sa pisngi kaya napa-aww ako.

Tiningnan niya pa ako ng masama.  Nasa likod niya nakatayo sina lolo, Rocco tsaka si Renato. May dala na naman siyang libro. Encyclopedia, ata? May future siyang maging isang pro-library. Ay booker pala! Ay ano ba tawag doon sa taong adik sa pagbabasa ng aklat? Inform niyo na lang ako guys pag okay na ko. Naalog ata utak ko. Magaling lang po ako sa Math. Hindi po ako magaling mag-ingles, madlang pipol.

"What are you looking at, bird brain?" , masungit na tanong ng bata

"Wala naman"

"Tch. Weakling! You don't even know how to fight against those hoodlums."

Papalag sana ako kaso tinampal ni inang reyna ang braso ko.

"Ano? Hoy bawiin mo sinabi mo! Nagpakumbaba lang ako kanina ah! Humble ako! Mapagbigay din! In english....ano Generic!"

Humagalpak ng tawa si Rocco. Ang bwiset, nakahawak pa sa tiyan at naluluha pa. Sinundan naman iyon ng tawa nina lolo, mama at ni batang hambog.

"Makalait ka parang alam mo yung english ng mapagbigay ah!" sabi ko kay Rocco

"Apkorssss! Ikaw lang yata di nakakaalam eh!"

"O ano?"

"Syempre, Generator!" buong tapang niyang sagot

Ngayon, ako naman ang tawang-tawa. Mameeee, ayoko na sa Earth.

"Dapat tinatanong mo kung bakit iyon ang sagot ko!" reklamo niya

"O bakit?"

"Kasi kapag brown out nagbibigay siya ng kuryente. Diba? Mapagbigay siya! Ikaw Augustus. Aral aral din minsan di lang puro pasok ng pasok sa school!" aniya saka nag flex ng muscles niya sa braso

"What kind of living thing are you, Kuya Rolando? And you, too, Kuya Gus? The english term of 'mapagbigay' is 'generous'. I can't imagine you two stepping inside a university without even knowing it." ani ni Renato at hinilot pa ang sentido na parang may napakalaking problema sa mundo.

"Syempre sa pagpupulis talaga, lamang yung physical strength!" wika ni Rocco

"Pero importante din naman ang utak, Rolando Corazon...wala kang ganun kaya tumahimik ka na." ani lolo Amadeus

Nagsad face lang ang loko. Palihim naman akong tumawa. Mukha siyang tuta na biglang sinipa ng among mainitin ang ulo.

"Ano bang nangyari kanina dun sa may eskinita, Rolando Corazon?"

"Po?"

"Anong nangyari kako?"

"Aaah. Naka-assign ho ako sa España ngayong linggo,Tita Adeline kasama siyempre ang isa ko pang kabaro. Eh sakto namang  magpapahinga sana kami ni SPO1 Casipe sa malapit na tindahan sa may eskinita ng makarinig kami ng rambol. Akala ho namin ay gangwar ng mga kabataan pero pagdating namin ay may nakita nga kaming nag-aaway at si pards  ang isa sa mga napuruhan",wika niya

Only Man [Fontanelle Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon