PROLOGUE

7 0 0
                                    

FONTANELLE SERIES 1:
(Ravenne Lizares)

Sino po ang pwedeng gumawa ng book cover ng 'Only Man'?I would highly appreciate it and use it as the official book cover kung magugustuhan ko. Making book covers is not really my expertise,sorry.

Happy New Year Fontanelles!

-----

PROLOGUE.
⏳🌹

~15 years ago~

Mataas na ang sikat ng araw pagsapit pa lamang ng alas siyete ng umaga. Malakas ang ihip ng hangin kaya sumabog sa aking maliit na mukha ang medyo magulong buhok ko. Tinahak ko ang daan tungo sa maliit na hardin na pinagtulungan naming pagandahin ni Ate Rouvel. Hindi naman nagalit ang may-ari ng bahay na aming tinutuluyan.Mas natuwa pa nga si Madam Cookie sa ginawa namin sa nakatiwangwang niyang lote sa likod ng bahay.

Kinuha ko ang sprinkler sa malaking aparador na gawa sa kahoy kasama ng iba pang gardening tools. Binungkal ko ang lupa sa paligid ng bawat daisy upang mas makapasok ang hangin. Naglagay na rin ako ng organic fertilizer kahapon na niregalo pa sa akin ni Madam Cookie dahil naging mabuti raw akong bata di tulad ng iba na puro laro lamang ang ginagawa.

Napangiti ako. Sa mura kong edad, napakaresponsable ko daw. Hindi ko alam sa kanila,basta sinusunod ko lang lahat ng sinasabi ng mga nakatatanda sa akin.

"Dalian ninyo ang paglaki ha? Kasi pagnamukadkad na kayo, ililipat ko kayo sa may hardin ng palasyo ng Reyna Fontana! Sigurado maaaliw kayo doon kasi mayroon doong malaking fountain sa may labasan.Umiilaw pa tuwing gabi", pagkausap ko sa mga orkidyas at rosas

"Anong ginagawa mo?",tanong ni Ate Rouvel sa akin. Pawisan siya at medyo basa ang puting T-shirt na suot

"Kinakausap ko sila,Ate. Mas maganda raw ang tubo ng halaman kapag kinakausap sabi ni Madam Cookie"

"Talaga,sinabi niya iyon?",saka nito pinahiran ang butil butil na pawis sa noo gamit ang braso

"Opo.Teka,nag-jogging ka na naman po mula alas singko? Nakakapagod naman abutin ang pangarap mo,ate"

"Ah oo,saka walang-wala lang ang jogging kung ikukumpara mo sa mga training ng Fontana Armies. Gustung- gusto kong mapabilang sa kanila. Kaso kailangan ko pang sumailalim sa Battle of Survivors Camp sa Mademoiselle's Forest.Basta gagawin ko lahat para maging katulad ng iniidolo kong heneral."

"Ay! Gusto mo humawak ng baril?", tanong ko

"Kailangan iyon sa pagsusundalo, Ravenne."

"Eh ikaw.. ano bang pangarap mo,bunso?",usisa niya

"Makakalimutin ka talaga,Ate. Basta paglaki ko gusto ko magkaroon ng malawak na flower farm! 'Yung parang malaking malaking garden!"

"Iyon lang? Dapat mag-aral ka ring mabuti o di kaya'y magsundalo ka rin gaya ko. Maraming oportunidad kapag naging Fontana Army ka.",panunudyo niya sa akin habang naglalakad kami papasok na sa bahay.

Sabay kaming naupo sa harap ng pinto.

"Ayoko humawak ng baril. Basta,iyon ang pangarap ko."

Ginulo ni ate Rouvel ang buhok ko."Ang simple naman ng pangarap mo.Pero tandaan mo--"

Hindi niya natuloy ang sasabihin ng may kotseng pumarada sa harap ng aming tinutuluyan at lumabas si Madam Cookie na humahangos at mukhang nagmamadali.Nabitawan ko ang sprinkler at asarol saka lumapit sa kaniya.

"Bakit po?"

"Sumakay kayo sa kotse.Dali! May kailangan kayong makita!"

Nagmadaling kaming sumakay sa backseat at madali namang pinasibad ni Madam Cookie ang sasakyan tungo ng La Palacios de Hermosa.

Maraming nagkakagulo. May nagbubulungan. May lalaking nakaluhod sa gitna,nakatali ang dalawang kamay sa likod at nagmamakaawa sa paanan ng Reyna Fontana.

Lalaki? Paano ito nakapunta rito sa Isla Fontana?

"Pakiusap! Mahal na mahal ko ang anak ninyo! Hindi ko siya sasaktan! Pakiusap,hayaan mo kaming magsama ng anak niyo", nagmamakaawang tinig ng lalaki

Malamig itong tiningnan ng Reyna.

"Hindi mo siya mahal. Pinaglalaruan mo lang siya! Naiintindihan mo? Walang lugar ang pagmamahalan ninyo dito sa Isla! Hangal! Lapastangan!", galit na pahayag ng Reyna Fontana

"At talagang sinundan mo pa siya mula Maynila hanggang dito. Napaka- kapal naman ng mukha mo para harapin ako at magmakaawa! Galit ako sa tatay ng anak ko!At sa lahat ng mga lalaking tulad mo!",pagpapatuloy nito

"Mahal ko si Felicia! Gagawin ko lahat, pakiusap po. Handa akong mamatay para sa kanya!"

"Anong sabi mo? Handa kang mamatay? Sigurado ka?"

Nanginig sa takot ang lalaki ngunit pilit itong nagpapakatatag.

"Oo.Para sa kaniya."

"Sige,kung iyan ang gusto mo. Isa pa, kamatayan din naman ang kabayaran ng pagtungtong mo sa teritoryo ng mga kababaihan rito" mariing wika ng Reyna Fontana

Nagsialisan ang mga babaeng nakiki- usyoso dahil pumagitna ang kilalang heneral ng Isla Fontana na idolo ng aking ate. Ang kasalukuyang General Ruez--si Lady Jazz. Itinutok nito ang baril sa noo ng lalaki ng walang emosyon.

"May sasabihin ka pa ba bago mamatay?", tanong nito saka kinalabit ang gatilyo ng baril

Mula sa kumpol ng mga tao ay may tiningnan ito. May babaeng nagpupumiglas sa hawak ng dalawang sundalo.

"Ina! Hayaan mo na kami! Pakiusap, huwag si Sebastian!",sigaw nito

"Mahal na mahal kita Felicia. Alagaan mo ang magiging anak natin. Mahal ko kayong dalawa--"

BANG!

Pumalahaw ng iyak ang babae. Nakawala ito sa hawak ng mga Fontana Armies. Hinawakan sa magkabilang balikat ang natumbang lalaki at umiyak ng malakas.

Hindi ko namalayan na tinakpan na ni ate Rouvel ang aking mga mata.

Right before my very innocent eyes, our leader tainted my innocence as a child and proved that love must be everyone's least priority.

Only Man [Fontanelle Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon