Ikalawang Araw Sa Garay

2.1K 73 0
                                    




(Chapter 2 - November 22, 2017)

Pawis na pawis na ako sa pagbubuhat ng mga gamit na pinalipat ni Mama. General cleaning kasi namin ngayong araw dahil nalalapit na talaga ang kapiyestahan dito sa bayan namin.

Sa tinagal na wala ako sa bahay na'to ay marami ng naipundar sila Mama at tita. Tuwing magpapadala daw kasi ako ng pera sa kanila ay nagtatabi sila ng pera para mag ipon sa pambili ng bagong gamit na ipapalit sa tingin nila ay luma na at malapit ng masira.

"Hindi kaya, siya naman ngayon ang pinakikitaan niya?"

"Hindi ko nga din alam. Pero alam mo Ate, ganyang-ganyan din si Carlota nung nakaraang taon."

"Sana naman matahimik na siya."

Nalilito ako sa nadinig kong pinag-uusapan nila Mama at Tita Cora. Sinubukan ko ngang makisali sa kanila ngunit bigla nalang nilang iniba ang usapan ng makita nila ako. Ewan ko, hinayaan ko nalang, baka kasi masyadong private ang pinag-uusapan nila.

Bumalik ako sa itaas para tapusin na ang paglalampaso ko. Nasa gawing bintana ako ng mapansin ko ang matandang babae na nakita ko kahapon. Kinalibutan ako ng mapa-sign of the cross siya habang nakatingin sa likuran ko. Gusto ko siyang pagalitan kasi natatakot na talaga ako sa ginagawa niya saakin. Baliw siyang matanda siya dahil trip niya talaga ako. Ano bang ginawa ko sa kanya at tinatakot niya ako?

"Umalis na ho, kayo dito." Nakita kong tinaboy siya ni tita Cora.

Habang papaalis ang matanda ay nakatingin parin siya saakin. Patuloy parin ito sa pagsa-sign of the cross niya.

Nginitian nalang ako ni tita ng makita niyang umalis na ang matanda.
Kapag nagpatuloy pa ang mga ganitong weird na nangyayari ay baka sa susunod ay hindi na ako umuwi dito. Grabe. Bakit ganito dito? Garay, please be good to me. Wala namang takutan.



*****

Madilim at mausok ngayon dito. Nalilito ako kung bakit napunta ako sa  harap ng dating simabahan. Saka bakit nagbalik sa dati ang simbahan? Ang alam ko ay bago na'to?

Gubat na gubat ang likod at gilid ng simbahan. Puro mga puno at ang ilan pa ay patay na ang sanga. Tila ba nagbalik ang lahat sa sinaunang panahon. Kung titignan mo ay tila ako bumalik sa nakaraan. Ang creepy ng paligid

"Kinagagalak ko na bumalik ka na."

Nakadinig ako bigla ng salita ng isang babae na tila ba ang boses ay nanggagaling sa ilalim ng lupa at umeecho pa sa loob ng simabahan.

"Ang tagal kitang hinintay."

Kinikilabutan ako. Sino ang nagsasalitang 'yun?

Dahan-dahan akong naglakad sa loob ng simabahan. Sobrang usok doon. Para ba akong nasa tagaytay dahil sa sobrang kapal ng usok. Nanlamig agad ako dahil sa malakas na hangin na sumalubong saakin sa loob ng simbahan.

Sampong Araw Sa Garay ( Available On Dreame)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon