Ika-limang Araw sa Garay

1.7K 67 0
                                    


(Chapter 5 - November 25, 2017)

Malalim ang gabi at malakas ang hangin. Kanina pa ako naglalakad dito sa gubat na hindi ko naman alam kung saan ako patungo. Isang liwanag ang nakita ko sa 'di kalayuan. Agad akong tumakbo at ng marating ko 'yun ay nagbalik na naman ako sa lumang simbahan. Ito na naman. Bakit ba dito nalang ako palaging napapadpad?

"Salamat at muli kang nagbalik." Ayan na naman ang nakakakilabot na boses niya.

"Tama na. Tigilan mo na ako!" Sigaw ko.

Biglang yumanig ang buong paligid.

"Hindi mo ako pwedeng itaboy. Magsisisi ka!" Sigaw niya na tila nagalit.

Mula sa pinto ng simbahan ay nakita kong lumutang ang nakakatakot na babaeng duguan. Galit itong nakatingin saakin.

"Bakit mo ako ginugulo? Ano bang kasalanan ko sa'yo?" Tanong ko.

"Wala. Ang gusto ko lang naman ay makasama ka, 'yun lang."

Gusto kong magtakip ng mata. Nakakatakot ang itsura niya. Nanginginig tuloy ang tuhod ko.

Lalo akong natakot ng mula sa paa ko ay lumitaw ang isang inaagnas na kamay. Napaatras ako at lumubas doon sa ilalim ng lupa ang inaagnas na mukha ng matandang babae. Nakakatakot ang mata niyang nanlilisik saakin.

Sa kakaatras ko ay hindi ko na pala namalayan na bangin na ang nasa likuran ko. Napasigaw ako ng tuluyan akong mahulog doon.

*****

Sarili kong sigaw ang gumising saakin. Nagulat pa ako ng mabilis na nag takbuhan sina Mama at tita Cora sa kwarto ko.

May hawak na sandok si Mama, habang si tita Cora naman ay may dala namang kutsilyo. Gulat na gulat sila ng pumasok sa kwarto ko.

"Anong nangyari? Bakit ka sumisigaw?" Tanong ni Mama.

Sampong Araw Sa Garay ( Available On Dreame)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon