Prolouge

14 0 0
                                    

*tiktilaok

*tiktilaok

*tiktilaok

Pambungad na tunog ng isang sumisibol na umaga na talaga namang pumupukaw sa mga taong kailangang bumangon mula sa pagkakahimbing na tulog...

*tiktilaok

*tiktilaok

*tiktilaok

Malakas na pagtawag muli ng tandang sadyang nangigising sapagkat yun ang kanyang tungkulin...

"Che!..."...Ai....ayan na po ang first victim...

"Bwiset na tandang!... natutulog pa ako!... kay aga aga... nanggigising ng alas tres... wala pang araw uie"...ayan naman po ang second victim...

*tiktilaok

*tiktilaok

*tiktilaok

lumipas ang ilang minuto nag-ingay pa rin ang tandang manok...at mukhang hindi titigil hanggat hindi makakahanap ng bagong mabibiktima...

"Zzzzzzzzzzz" ... o di kaya'y nahanap na niya ito pero tulog pa

*tiktilao-----

"Letse!... Samantha!... alas tres pa ng madaling araw, yang alarm clock mo nambubulabog ng mga kapit-bahay...nakakahiya, naninira ka na talaga ng mga tulog!... patayin mo na yan kung hindi ihahampas ko yan sa pagmumukha mo!"...

"Whaaa--- what?...tita?"...at gising na po ang inyong bida...

"Nyay alas tres na!... maghahanda pa ako!...nakuuuu...yung mga gamit ko asan na?..."

*tiktilaok!!!

"Samantha!... anubah!"

"Anjan na po tita... bababa na po ako----"

*tiktilaok!!!

letson!... bakit inde pa nakapatay tong cellphone ko... anlakas pala ng volume...nakakahiya tuloy para sa mga kapitbahay namin at naistorbo ko pa sila... di bale makababa n nga at magsaing para makapaghanda n ng makakain mamayang umagahan at ng makalaan pa ako ng kaunting oras para makapagbasa ng libro... kailangan ko p kcng ireview lahat ng nabasa ko kagabe...advance reading kumbaga pero uulitin lng...

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at iniunat ang aking dalawang braso sa ere...inayos ko ang aking mga unan at itinupi ang aking kumot saka lumabas mula sa aking kwarto... nadatnan ko ang aking tita na gising na at naghihiwa ng mga samut-saring gulay at kaunting karne...huhulaan ko... pakbet ito...pak na pak at bet na bet ko ang ulam ngayon, ah...

"Ta!... ako n po jan!...dapat tulog ka pa at nagpapahinga sa kwarto..."... pagbobuluntaryo ko sa kanya...

"Ano k bang bata ka!... ok lng ako rito...kaya ko na to... kaunting bagay lng kung tutuusin eh..." talaga naman tong c tita oh...napakatigas ng ulo...

"Pero Ta!" Pagkontra ko...

"Ok lng anak...ayos lng ako... inde naman ako nagbubuhat ng kahit na anong mabibigat na mga bagay...magaan lng ito..." pagpapaliwanag niya sa akin... hmmp...cge na nga, pagbibigyan ko cya sa pagkakataong ito...hahayaan ko cya sa kahilingan niya...

"Pero teka... bakit ka nga ba late ng nagising...lagi ka namang early bird ah...wala pang kinse minutos bago mag alas tres nakalabas ka na ng kwarto mo...at never ko pang narinig ni minsan na nambubulabog yang alarm mo jan sa cellphone mo"...naks naman... kabisado ni tita bawat galaw ko through the years...pero oo nga nuh... ngayon lng nangyari sakin to...paano ba naman kc may napaginipan ako..isang magandang panaginip...yan masasabi ko...




My dream started off like this...

Nakikita ko ang sarili ko...nakakapagtaka dahil payat ako at hinde mataba ang hubog ng aking katawan... hinde naman sa nag-aasume ako pero alam ko sa sarili ko na ako yun... ako ung taong yun dahil nararamdaman ko...

Umiiyak raw ako at nasa isang tagong silid...madilim at nakakatakot... hindi ako makahinga ng maayos na mas lalong nagpapasikip ng dibdib ko...gustuhin ko mang humingi ng tulong ay hinde ko magawa...nahihirapan na akong kumilos at magsalita at halos hindi ko n mabanggit ang mga salitang dapat kong banggitin...

" Tulong... tulungan nyo ako" sabi ng isipan ko...pero walang lumalabas... bakit ganun?...wala namang nakatakip sa bibig ko pero bakit may pumipigil...

Hanggang sa nabuksan na ang pintuan sa harapan ko... nakahinga ako ng maluwag at galak na tinignan ang taong sumagip sa akin mula sa silid na yun...nakikilala ko cya...

"Ok k lng ba?...hindi ka ba nasaktan"...nag alalang tanong nya sa akin...

Ang lalaking ito...nagustuhan ko cya noon pa at talaga namang masasabi mong malaanghel at walang katarungan ang kanyang kagwapuhan...ang lalaking araw-araw kong tinititigan, inaabangan at hinahangaan...ang taong gusto kong makasama kahit saglit lang... masaya ko cyang nakita kahit na ito'y sa panaginip lamang...








Kim Taehyung...









"Hoy!"

"Ay kabayong j-hope!"

"Aba't pinangalanan mo pa ang kabayo natin ng j-hope...nakalimutan mo na bang jon snow ang pangalan nun?..."

"Wala po tita... ginulat mo kc ako eh..."

"O cya...wag ka ng tumunganga jan... kilos na... maligo ka na at magbihis... tatawagin n lng kita pag tapos na akong maghain dito"

"Opo" pasunod kong sagot kay tita habang papunta na ako sa banyo upang maligo... pero napatigil ako saglit sa dinaraanan ko...bakit ko nga ba napanaginipan ang bagay na yun?...

Lord sign na po b yun?

Makikita ko n b cya?... sila at ng pitong malaolympus-gods na mga kasama niya...

Makakapunta na ba ako sa concert nila...sa mga fansigning events nila...

Kasi kung matutupad po yun...sparkly big eyes, unicorns and rainbows!...a whole new world and a new type of cloud nine...it will be the happiest day of my life...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Typos... yes i know... i don't like to revise the whole thing... kakatamad lalo pat cellphone ang gamit ko...and one more thing... this is an original story that i created... clìche, i know...but just to remind you that characters and scenes depicted in this story are the reflections of my own imagination and I don't have the intention to copy anyones work...in short it is coicidental... anyways enjoy!


My Soul is Switched in SeoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon