Chapter 9

11 0 0
                                    

Chapter 9: JEON JUNGKOOK!


Sam/Lalisa's POV

"Jin, sigurado na ba tayo rito...pwede bang sa susunod na araw na lang... pahingahin muna natin yung body ko... mejo masakit pa yung natamo kong mga pasa mula sa pagkakahulog, eh..."...

Pangungumbinsi ko kay jin na kasalukuyang na nasa kanyang normal na mala-kaluluwang kaanyuan...nag-aalangan pa nga ako kung matutuloy pa ba tong plano namin, eh... ang operation: retrieve-jin's-body-back...

Sa totoo lang, wala naman talaga kaming disente at konkretong plano para paghandaan ito...heck nagkakandarapa na nga ako dito sa kaba!...dumagdag pa tong si Jin sa ultimate stressness ko to the nth power dahil na rin sa pagiging stubborn niya...

(A/n: Bakit daw?)

Because Authornim...Iniwan lang naman niya ang katawan ng babaeng sinaniban niya a few minutes ago sa labas ng ospital bago kami nakapasok sa main lobby VIP building nato...

Nakaupo sa may bench ang katawan ni ate girl na para bang natural na natutulog lang...nakayuko ang kanyang ulo at natatakpan ito ng kanyang buhok habang nakapikit ang mga mata senyales na wala siyang kamalay-malay nung panahong tinatangay pa ni Jin ito...sa itsura pa ng babae mukhang isa pa itong highschool student...nakayuniporme ang outfit niya at may nakasabit na ID brooch sa bahagyang itaas at kaliwang bahagi ng kanyag dibdib...at ang tukmol na si Jin hindi man lang narealize na namiss na pala ng babaeng to ang dapat niyang daily classes...It's Monday today kaya ko nasabi yun...

TZUYU...Tzuyu ang pagkakabasa ko sa pangalan niya... kahit nakaprint ito in hangul alphabet ay naiintindihan ko naman yung nakasulat...

"Focus Sam!... we're almost there... wag na natin sasayangin ang oppurtunity nato dahil alam kong excited na excited na kayo sa pinaka-engrandeng comeback ko...pagtiisin mo na lang...malapit na tayo..."...sus... siya nga itong excited eh... ayaw lang niyang aminin...

"Eh papaano nga ako makakapasok?... kailangan ko ng biometric at ID-pass sa system ng ospital nato for entrance access...sa tingin mo ba magiging madali sa akin to?..."...opo... maarte po ang ospital...pero hindi ko rin naman masisisi ang buong management dahil para rin naman ito sa kapakanang pangkaligtasan at seguridad ng mga sikat na indibidwal dito sa Seoul (kaya nga ito itinatawag na VIP building)...

Less talk rin pagdating sa mga medias...magagaling ang mga paparazzis dito sa Seoul at nakakakuha sila ng mga impormasyong tungkol sa kanila lingid sa kaalaman ng isang normal na tao... beat it... dahil halos lahat sila may utak at may kakayahan bilang isang hacker... napanuod ko ito sa isang korean documentary kaya wag na wag niyo silang maliitin...

"Kung gusto mo, maraming paraan, kung ayaw mo, maraming dahilan"... letseng toh... pinaparinggan pa ako...

Porket multo siya madali lang niyang malulusutan lahat ng mga matitigas na pader... how about me?....tao ako uie!...pag tumakbo ako at makasalubong ko ang mga pader, tiyak mababasag ang mga ngipin ko at magkakaroon pa ako ng bukol sa noo...plus mapagkamalan pa akong tanga...hindi dumaan sa pinto ang gaga...mahal ang talent fee ng baliwbaliwan kaya I can't risk that for the most (makulay talaga ang imagination ko nuh?... pansin niyo?)...

"Eh kung tulungan mo na lang kaya ako bilang partner-in-crime mo...hindi yung harap-harapan ka ng nagpaparinig ng mga kung anumang salita jan...I'm trying to settle everything smoothly para naman wala tayong magiging problema while doing this mission... pero heto ka't inookrayan mo lang ako...sige lang... how sweet of you, you know...*tsk"... pagtataray ko kay jin...

yan kasi...

Iniinis niya ako kaya ganyan na lang ako trumato sa kanya...

Pero teka, hindi naman ako ganito kataray at nagsusungit pag may kausap, ah?...bakit lumalabas na lang bigla ang pagkatigre ko?...nakakatakot... bago to, uie!

My Soul is Switched in SeoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon