I.

110 2 1
                                    

christmas season na ..

syempre lahat ng tao excited sa christmas presence na matatanggap nila.

ang iba, sabik makuha ang kanya kanyang

13th month pay mula sa mga trabaho nila.

isang linggo na lang bago magpasko.

marami rami na din ang mga mamimili sa mall.

mas lalo pang dumadami habang

papalapit ang pasko..

isa na kami ni Auntie sa mga mamimili.

habang naglalakad kami ni Auntie Belle,

na nasa unahan ko,

nagwiwindow shopping naman ang mga mata ko .

nakakabighani kasi ang mga tinda ngayon kaysa noong nakaraang linggo .

sinama ako ni auntie dahil sa bibilhan niya ako ng christmas gift .

siempre ako naman ay gayak na gayak kasi piano daw ang bibilhin niya sa akin =3

ang pinaka paborito ko at matagal ko nang hinahangad .

ngayon lang niya ibibili para special daw.

ikinatuwa ko naman iyon.

espesyal nga naman kasi sabay sa kaarawan ko.

pumasok kami sa isang antique store ng mga piyano .

medyo namangha ako dahil kahit antique na, eh napaka ganda at nananatili itong bago.

parang hindi ginamit.

nag umpisa na kaming lumibot ni Auntie.

naghiwalay din kami para makapamili ng maayos.

inilibot ko pa ang aking paningin .

hanggang sa isang piyano ang nakaagaw ng aking pansin.

ang kulay itim na piyano.

pinuntahan ko iyon sa dulo at inusisang maigi.

napakaganda niya.

napaka-elegante tingnan.

kumikintab siya kahit sa malayo.

hinawakan ko ito .

pinatong ko ang kanang kamay ko

para pakiramdaman,

nang biglang gumaan ang pakiramdam ko.

ikinagulat ko naman ang pangyayaring iyon.

umikot ako sa paligid nito ng nakahawak .

nang nakita ko ang keyboard,

iyon naman ang hinaplos ko.

parang hindi antique.

ang bago niya tingnan at ang kikintab pa ng keys nito.

nilapitan ako ng saleslady.

siguro nasa mga 60 pataas na siya.

napansin kong ang cute ng suot niya kaya ngitian ko siya.

parang hindi tuloy siya oldie tingnan.

"iyan na ba ang napili mo iha?"

umpisa niyang tanong na nakangiti sa akin .

hmmm .. mukha naman siyang mabait.

"opo.

pero may itatanong lang po sana ako ."

tanong ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Deathly PianoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon