Gangster Teacher

56K 1.1K 66
                                    

Ako si Angela Nicole Lopez 22 years old, a Teacher. This year is going to be my first time teaching and I can't wait! This is my dream ever since I was a kid. But aside from being a teacher, there is a dark secret about my life that I need to keep. It may sound crazy or cliche but I am living a double life. I am also known as Autumn. The leader of the top Gangster group called Breeze. Hindi naman sa pagmamayabang pero kilala ako bilang ang pinaka kinatatakutan at pinaka malakas na babae sa Underground Society. People tend to call me the Queen of Gangsters. Ang Breeze ang grupong itinatag ko mula noong ako ay nasa 4th year high school matapos mamatay ang mga magulang ko dahil sa kagagawan ng Walters, the one group that ended my normal life. Sila ang grupo na gustong kunin ang kayamanan ng mga magulang ko.

Pinamumunuan sila ni Grey Walter, the person that I hate the most. The one that made my whole world crumble. At sa dinami-dami pa ng tao sa mundo, siya pa na pinsan ko. After so many battles that I fought together with my newly formed group at that time, we successfully towered over them. Napabagsak na namin ang Walters at naipakulong na ang mga natitirang grupo nito maging si Grey. And that's how my Gang started to rule the underworld.

Hindi kami ang tipo ng mga gangster na pumapatay. Lumalaban kami, oo pero hindi kami nananadyang pumatay. We fight with swords and blades but we don't have any intention to kill the person. We try to be human still, sinusubukan namin na mailigtas parin ang buhay nila. Pero kung may mangyari man na di namin inaasahan sa kalaban namin, wala na akong magagawa doon. Ganoon talaga sa mundong ito.

Kung may napatay na ako? Wala pa naman. Pero meron na akong nabugbog at umabot siya sa emergency room. 50/50 pa nga e. Kaso sabi naman buhay daw. Edi okay lang.

Kung nagtataka kayo kung bakit ako naging teacher kahit na mabubuhay naman ako sa pera na makukuha ko galing sa Breeze, at napaka kilala ng Gang ko, delikado, tama naman. Pero yun ay dahil sa pangarap.

Oo, pangarap kong maging teacher. Yun ang gusto kong maging mula noong bata ako. Kaya nga kailangan kong mag sikap na mag aral at ikubli ang tunay na ako.

Tinago ko muna si Autumn para mamuhay ng normal.

Studyante sa umaga, Gangster sa gabi. Ganyan ako noon. Sa grupo ko, tatlo lang kaming babae. Ako, si Nicole at si Shaira.

Si Nicole Cheng ay kilala din bilang si Summer. Siya ang makulit at pasaway kong kanang kamay maliban sa rank niya sa Breeze ay bestfriend ko din siya. Magaling siya sa pag gamit ng patalim, Her specialty is using knives and daggers.

Si Shaira Gumano naman ang tinatawag namin na Winter. Cold siya makitungo at tahimik pero mabait naman siya. Magaling siyang makipag laban. Siya ang protector ko. She never let me get hurt, siya ang isa pa na parang totoong kapatid ko na din.

Pareho hilang mas bata kesa sa akin. Sila ay nasa 4th year highschool at parehong 18 years old. Pareho silang ulila at kagaya ko naiwan din sa kanila ang yaman ng kanilang mga pamilya.

Kung mayaman ako? OO. Masasabi kong mayaman ako, dahil meron akong 15 kumpanya dito sa Pilipinas at may 25 sa ibat ibang bansa. Naiwan sa akin ng mga magulang ko. Dahil sa pagpapatuloy ko ng pangarap ko ay hindi ko na masyadong na aasikaso ang lahat kaya naman ang gumagawa nito para sa akin ay ang mga pinag kakatiwalaan kong kasama sa Breeze.

Si Ryan Green 30 years old kababata ko. Siya ang katuwang kong bumuo ng grupo at ang kapatid niyang si Arnold Green na 28 years old. Pareho silang Abugado at sila ang nag papatakbo sa lahat ng kumpanya ko.

Ako ay may sariling Modeling Agency, Hotel at pagawaan ng damit pati narin ang sariling clothing brand.

Lahat ng ito ay kilala at yoon ang nag udyok kay Grey na agawin ito sa pamilya ko utos na rin ng kanyang gahamang Ama. Pagkamatay ni Tita Elena dahil sa sakit ay lumabas ang tunay na kulay ni Tito Arnel. Nais lang niyang makuha ang lahat ng meron ang buong pamilya namin.

Gangster Teacher (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon