Chapter 4

22K 732 22
                                    

"WAAH!" Malakas na sigaw ni Angela na kasalukuyang nakahiga sa couch sa loob ng napakalaking bahay nila. Kauuwi palang niya mula sa pagtatrabaho at bakas ang pagod sa bawat buntong hininga niya.

"Natapos na yung isang linggo pero hanggang ngayon ni hindi pa nila ako magawang galangin! What the heck did I do to them? Bakit parang ang laki ng galit nila sa akin, gusto ko lang naman silang makausap ng normal, yung wala sanang murahan? Paano ko ba mapapatino yung mga batang yon?" Napa sabunot siya sa sarili at talagang nababaliw na sa kakaisip kung ano ang gagawin niya. She couldn't believe that a feared gang leader like her will be so defeated over this.

"Boss. Baka naman po gusto niyong turuan nalang namin ng leksyon?" Nag stretch at nagpalagutok ng buto sa daliri ang isa pa nilang kasamahan sa Breeze. Si Felix o kilala din bilang Red sa gangster world. Isa siya sa pinakapinagkakatiwalaan ni Autumn sa Breeze.

"Ano? Bakit anong meron? Sino ba pinoproblema ni Boss?!" Entrada ni Peter o kilala din Blue habang hinahawakan ang walis na parang baseball bat.

"Sheak! Kunin mo nga yung sword ko! Bilisan mo! May tatakutin tayo ng konti! BWAHAHA!" Nag tatawanan na sila ng dumating si Sheak dala ang sword ng bawat isa.

Lingit sa kaalaman nila mayroong nang gagalaiti na nakikinig sa kanila, si Angela na nagpipigil para hindi sugurin ang mga siraulong miyembro niya na nag babalak ng kung anu-ano sa mga pinakaiingatan niyang mga estudyante. Hanggang ngayon pinipilit parin niya sa isip niya na mga batang cute ang mga ito. She was really treating them as little kids that needs to be protected 24/7.

"Anong pinag uusapan niyo ha?!" Sabay binatukan niya ang mga kasama niya. Nagtataka man sila at nagulat sa reaksyon ng lider, hindi sila nagpahuli sa paghingi ng tawad.

"Bo-Boss! Patawad po!" Lumuhod sila at yumuko. Dikit na ang mga noo sa sahig. Panandalian silang nanatili sa mga puwesto nila bago nila napansin na hindi sumagot ang Boss nila.

They suddenly heard something being hit. Some crashing and a loud thud.

"I just wanted to be a good teacher!" Angela screamed as she ran with a broom in her hand, attacking the poor couch that was in front of her. She used the broom as if it was a sword, hitting the poor cushion that is now getting extremely deformed.

"Bo-Boss... Tama na po please, pang sampu na po nating couch yan." Naka yuko paring sabi ni Sheak ang pinaka bata nilang kasapi, he just turned 18. Siya lang ang may lakas ng loob na kontrahin si Angela.

"Pinag babawalan mo ba ako Sheak?" He gulped and flashed a fake smile as Angela turned to look at him with her deadly eyes.

"AAAH!! Boss! Tama na po! AAA!" The poor Sheak couldn't do anything. Pinilit nalang niyang alisin ang pagkaka yakap ng braso ni Angela sa leeg niya sabay pikit at dasal na may pumigil sa kanyang Ate.

"Ate Nicole! Ate Shaira! Aaa-Ackk.. Tulong! Kuya Felix..Kuya Peter.. Ahhhh-ackk. Bossing pass! Bossing time pers!" Nagsitakbuhan ang lahat ng mga tao sa loob ng bahay kay Angela para pigilan siya sa panggigigil kay Sheak.

Walang bahid ng pagkagulat sa mga mukha ng mga taong pumigil sa kanya. Mukhang normal pa nga sa kanila ang ganitong pangyayari at nagtatawanan pa dahil mukhang basang sisiw si Sheak na pawis na pawis at hindi na makahinga sa kakaubo.

"Huhubels ka Boss grabe ka sakin Parang gusto mo burahin cuteness ko sa world." Sheak is still catching his breath but it didn't stop him to jokingly and dramatically lay down on the floor.

"Sheak, nasabi ko na ba na kadiri ka pag nagpapacute? Badtrip ako ngayon baka alisan kita ng pisngi." Kaagad na nag ayos ng sarili si Sheak at seryosong tumayo. Alam niyang niloloko lang siya ni Angela pero hindi siya nakahinga ng maluwag hanggang sa napatawa ng bahagya ang Boss niya bago ginulo ng kaunti ang kanyang buhok.

Gangster Teacher (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon