Chapter 1

26.6K 823 74
                                    

Naglalakad si Angela sa hallway habang komportableng naka bukaka at hinihila nalang ang naka sayad na pink shoulder bag sa sahig. She's not used to acting girly or sweet as how Nicole have suggested her to do so. It would have been useful in concealing her true identity but she just couldn't. Siga talaga ang dalaga at parang nakahanda siyang lumaban ano mang oras.

"Hindi naman siguro sila ganoon kasama.Baka medyo pilyo lang okaya masyadong maingay ganun." Isip niya habang iniimagine ang mga ugali ng magiging studyante niya. Base kasi sa pagbati ng mga nakakasalubong na studyante sa kanya ay mababait ang mga mag aaral dito. They smile and even bow a little by as they greet her. This is what she wanted. Ganitong ganito ang mga pangyayari na pinangarap niya noon. Napapangiti siya sa iniisip na isa na siyang totoong guro ngayon.

"Gudmorning MAAM." Bati ni Nicole sa kanya talagang diniinan nito ang pagkaka sabi ng Maam dahil gusto niyang ipamukha na guro na ito dito. Isang pang gising sa katotohanan lalo na at hinihila parin niya ang shoulder bag niya na sumasayad na sa lapag.

"Grabe MAAM, kailangan pa naming lumabas ng room para ipaalala sayo na teacher ka na." Sarkastikong sabi ni Nicole at sinipa ng bahagya ang tuhod ni Angela para pag dikitin ang kanyang mga binti at mag lakad ng mahinhin.

"Tss, yung shoulder bag nasa shoulder. Feeling mo naman maletang di gulong kung isayad mo sa lupa." Naka poker face parin si Shaira.

"Sorry naman no? Sino ba may sabi na sumayad yan sa lupa, sorry na di ako matangkad kaya sumasayad okay? Sige na bumalik na kayo sa mga clasrooms niyo." Sabi ni Angela at ginulo pa ang buhok ng dalawa na naiinis namang dumila pa bago pumasok sa kanilang room.

"Ayaw ko na doon, yung adviser namin laging kami nakikita. Ngiti ng ngiti sa amin tapos fan pa pala ng ANS. Kanina pa siya nag papa picture sa amin.Nakita ko na buong ngalangala niya sa kakasmile tsaka tawa niya sa bawat sinasabi namin. Wala namang joke don langya." Naka ngusong sabi ni Nicole at umakbay pa kay Shaira.

"Ih, basta pumasok na kayo. Unang araw oh! Tsaka kailangan ko na din puntahan yung mga studyante ko." Pinagpag ni Angela ang puro buhangin na bag at tumango sa mga kaibigan. Bahagya din siyang napangisi dahil sa pagbabago ng kulay ng bag niya.

"Kanina pink ka friend, ngayon brown ka na."

Nag lakad na siya papunta sa Section 4-D habang sina Nicole at Shaira naman ay iritang irita sa kanilang bagong adviser. Wala silang magawa dahil sa matinding matindi ang pagiging fan ng guro nila.

"Remember when we thought that modeling thingy wont be a problem?" Singa ni Shaira. Tutol na tutol siya noon at nagsisisi siya ngayon na hindi niya pinanindigan yun.

"Shut up, sino naman mag aakala na meron palang magiging fan nun dito sa Pinas? Gusto ko lang naman maranasan mag model noon eh akala ko nakakatuwa." Shaira was pissed. Isa nga naman sila sa pinaka kinatatakutan na grupo sa buong Pilipinas, at hindi niya inaasahan na may makakaalala pa ng ginawa niyang "kakikayan", she's shy but she won't admit that.

"Okay ka na ba ngayon baby Nicole?" Tanong ni Ma'am Chloe sa mga kakabalik niyang estudyante. Paalam kasi ng dalawa ay hihingi lang ng gamot sa sakit ng lalamunan si Nicole. Pero pinuntahan lang talaga nila ang sigang naglalakad na si Angela.

"Okay na po Ma'am, thank you." Ngumit si Nicole kaya naman ngumiti din si Shaira at nag bow sa kanilang Teacher. Automatic na nag ningning ang mata ng guro dahil sa pag ngiti ni Shaira.

"Ahh! Ngimiti si Shaira! Omyy Ang cute!" Sigaw niya. Natawa ang mga estudyante niya at napa yuko nalang si Shaira sabay kamot ng batok kahit na hiyang hiya na siya.

Umupo na sila at nag simula ng mag pakilala ang napaka kulit nilang Adviser. Pangatlong beses na pag suntok na ang ginagawa ni Shaira sa kanyang Adviser pero sa isip lang niya dahil kailangan nilang protektahan ang kanilang Pinuno at kailangan nilang manatili sa imahe nila na cute at pa-sweet na modelo.

Gangster Teacher (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon