Prologue

140K 2.5K 76
                                    

Halos mahimatay ako pabalik sa kama ko nang minulat ko ang mga mata ko. May katabi akong limang ipis! Wala akong magawa kung hindi ang tumili kahit pa alam ko naman na kung sino ang may kagagawan nito.

"Anong Ingay na naman 'yun?" Biglang nagpakita sa akin ang apat na walanghiya kong mga kapatid. Ako naman ay sobrang abala sa pag papagpag ng mga ipis na nag kakanda liparan sa akin. Nang maubos ko sila ay tumakbo na ako palabas.

"Hoy ipis! Feeling mo butterfly ka?! Ang kapal ng mukha mo!" Matapos ang sigaw ko ay tumakbo na ako pababa. Habang natakbo ako palabas, nakasalubong ko ang kasambahay namin.

"Yaya, pwede bang paki linis naman 'yung kwarto ko? May mga flying ipis kasi eh." Tumango na lang ang kasambahay kaya naman kumalma na ako. Pagkarating ko sa garden ay doon ko binuhos ang mga luha ko.

Dito sa Garden, dito ako madalas umiyak 'pag pinagtutulungan ako. Kasi dito, walang makakapansin sa 'kin, walang makakaalam na naiyak ako. Naging tambayan ko na ang lugar na ito dahil napapadalas ang pang aalipusta ng mga kapatid ko.

Salot? Ampon? Mang aagaw? Hindi ko alam kung saan napulot ng mga walanghiyang kapatid ko ang mga salitang iyan. Though, tama naman sila sa pangalawang salita pero hindi ko matanggap ang iba pa. 

Kaya ako nandito sa garden dahil ayokong makita nilang mahina ako. Ang kakapal naman ng mukha nila para mapakitaan ko ng weakness ko! Dapat alam nilang kaya ko ang sarili ko dahil totoo namang kaya ko kahit pa magtulungan sila!

"Ay Nanay ko!" Napatalon ako kasi biglang may hinagis saaking ahas..-- teka AHAS?!

Halos hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Tumitili at umiiyak lang ako pero nang titigan kong maigi ang hinagis sa akin, laruan lang naman pala!

Kinuha ko ito at binato sa kung saan. Kinalma ko ang sarili ko bago pumasok ulit sa loob. Sa loob ng bahay ay nakarinig ako ng tawanan. Mga demonyo!

"Parang tanga lang!" Tuloy pa rin ang tawa ng mga kapatid kong kampon ni Satanas. Nangunguna si Kuya Joshua na panganay sa aming lahat. Ang kakapal ng mga mukha!

"That face, though." Sunod naman na sabi ng pangalawang pinanganak ng demonyo, si Kuya Mike. Ang kapatid kong kung makapang chicks, akala mo napakagwapo niya at hawak niya ang buong mundo!

"Ayaw pa naman kasing umalis!" Sunod naman ang pangalawa sa pinakabata sa kanilang apat, si Kuya Edison. 

"Oo nga eh Baka akala nya matatanggap pa natin siya." Confident naman na sabi ng bunso, si Kuya Jacob. Buwan lang ang tanda niya sa akin pero ang sabi ni mommy, kailangan ko pa rin daw siyang tawaging kuya as a sign of respect. 

"Umalis nalang kaya ako?" Palagi kong tinatanong 'yan sa sarili ko, pero in the end, hindi ko rin naman magawa, "San naman ako pupunta?" Pinakaunang tanong. 

"Mag Condo nalang kaya ako?" Isa pang sumasagi sa isip ko. May pera naman kasi ako dahil may allowance na binibigay sa akin si mommy at daddy, pero kasi..., "Bakit ba gan'to?!" Hinilamos ko ang mukha ko at tuluyan na ngang pumasok sa loob. Nakatingin silang apat sa akin na para bang wala silang ginawang masama!

Dumiretso ako sa kusina at nagbago ang mga tingin nila sa akin. Tila ba may nakaabang na agad silang gagawin sa akin. Gusto ko na namang umiyak pero pinilit kong harapin sila.

"Kung ano man yang pinaplano niyo, sige ituloy niyo na. Tignan nalang natin kung sino ang mao-office at mapa-parusahan mamaya." Confident ako dahil alam kong ako ang kakampihan nila mommy. Bakit hindi? Alam naman ni mommy na ako ang pinakamabait sa aming lima.

Pumasok ako sa kitchen at uminom ng tubig pang pakalma. At teka nga, asaan na ba sila mommy? Sunday ngayon, bakit wala sila?!

"Mga babies ko!" Speaking of my beautiful mommy!

"Mom!" Nag unahan naman sa pagsalubong ang mga makakapal na mukha kong mga kapatid na akala mo sobrang bait! Akala mo pinagpala! Ang pe-peke! Nakakasuka ang mga ugali. Oo nga't gwapo, pero kung iba-base mo sa ugali, nako! Bumalik ka na lang sa mukha.

"Where's your little sister?" Nanahimik ang mga kampon ng kadiliman. 'Kala mo may dumaang anghel, pero bawal 'yon! Mag g-gyera ang anghel at ang apat na nandito.

"She already left." Narinig kong sabi ni Kuya Edison. Napangisi na lang ako sa sinabi niya. Too desperate to get rid of me?

"What?! Why?!" Hysterical na tanong ni mommy. Sige! Mang stress kayo ng tao, mga wala talagang pinag aralan ang mga 'to!

"Bakit mom? Eh nakuha niyo lang naman sa tapat yun eh! Bakit ba napakaimportante niya sa 'yo?" Aba nga naman ang tapang ng isang ito sa pagsasalita ng gan'on kay mommy!

"Jacob, stop that! Mommy mo 'yan!" Umalingawngaw sa buong bahay ang sigaw ni daddy. S'yempre, si mommy ang naaagrabyado, daddy to the rescue!

"She's important because she's our angel." Lumambot ang puso ko sa sinabi ni mommy. Kahit kailan talaga ay hindi niya pinaramdam sa akin na ampon ako at hindi ako belong sa pamilyang 'to.

"No mom! She's your angel." Kuya Mike emphasizing the word 'your'. Hindi ko na kinaya ang pagiging pakialamera ko kaya lumabas na ako sa kitchen

"Hey mommy!" I said cooly na parang walang narinig. Nakipagbeso ako kay Mommy. Hinug niya naman ako nang napakahigpit.

"I thought you left us." With worried eyes, she faced me. So, I smiled at her. I don't know how to tell her that I badly want to leave this place because of the evil demons inside! I want to escape these creatures! This is a very good example of hell! I feel like a lost little girl that stopped by in a burning house and lived there! Ang init at puro paghihirap ang dala!

"Why would I do that Mom? Is there any reason for me to go?" Yes, there are plenty of reasons for me to go, but I'm still holding on to that one reason to stay. My mom needs me.

"Hi, dad." He smiled at me, so I smiled back at him. Ginulo naman niya ang buhok ko.

"So, since wala raw kayong pasok ng one week, magbabakasyon tayo." Mommy said excitedly.

Ako naman ang napatulala. Is this really happening? Ako lang yata ang taong hindi masayang makakapagbakasyon siya.

But, seriously? One week with my evil stepbrothers?!

Are you f*cking kidding me?!

Me And My Four Evil Stepbrothers [COMPLETED UNDER DREAME]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon