My One Week
Isany's Point of View
Pwede bang magback out? Ang tanga tanga ko! Mas lalo ko silang ininis kagabi at mukhang pagsisisihan ko 'yon dahil nararamdaman kong mas lagot ako ngayon!
"Isany... Are you okay, baby?" Umangat ang ulo ko at ngumiti kay Daddy.
"I'm fine." Sinuklian ni daddy ang mga ngiti ko kaya kumalma ang loob ko.
"It seems like you are afraid." Inakbayan ako ni kuya Joshua matapos niyang sabihin iyon. Gustong gusto kong tanggalin ang mga kamay niya dahil kinikilabutan ako sa mga hawak niya.
"Anong kinatatakot mo, Isany?" Kumunot ang noo ko sa katabi kong si kuya Jacob. Gusto ko talagang magpalamon na lang sa lupa dahil sa nangyayari ngayon!
"Kung ano man ang kinakatakot mo, 'wag ka mag alala. Nandito lang kami." Halos magtaasan lahat ng balahibo ko sa bawat parte ng katawan ko dahil sa bulong na iyon ni kuya Mike. Hindi ko talaga alam kung kakayanin ko pa ba ang isang linggong 'to!
"We will always be here for you." Pag lingon ko kay kuya Edison, nakangiti siya.
Hindi ko na alam! Para akong mababaliw dahil alam ko na agad ang future ko sa susunod na linggo. Gusto ko na lang talagang mag disappear sandali at makalimutan ang mundong ito!
"Nand'yan lang naman pala ang mga kuya mo eh. Hindi ka pababayaan ng mga iyan. Pag-iisang kwarto na lang namin kayo 'pag dating natin d'on. Ayos ba 'yon, Isany?" Napalunok ako sa tanong ni daddy. Nasa kotse kami ngayon at on the way kami kung saan man kami pupunta. Hindi na talaga ako makagalaw at pakiramdam ko, nasasakal ako ng kung sino man.
Tumunog ang cellphone ko. In-enjoy ko na naman ang kanta bago ko tuluyang sagutin.
"Hello?" Sagot ko nang hindi tinignan kung sino ang tumawag. Tinanggal ni kuya Joshua ang pagkakaakbay niya sa akin at tumikhim. Tinignan ko naman siya pero agad kong binawi nang marinig ko ang boses ni Chase sa kabilang linya.
"Isany Ko!" Tinignan ko pa ang caller para ma-confirm. Siya nga ito.
"Chase Ko!" Halos impit na lang ang boses ko dahil hindi naman ako pwedeng mag ingay.
"Tss." Napatingin ako kay kuya Jacob, ano na namang problema niya?
"Miss na kita agad ah." Nawala na ulit ang atensyon ko kay kuya Jacob dahil nagpapakilig na naman itong si Chase.
"I miss you more!" Sumandal ako sa upuan at napangiti.
"Ay? Ang baby girl ko, may boyfriend na." Pang aasar ni mommy. Napangiti ako sa idea, pero... hindi pa eh.
"Mom! hindi ko po s'ya boyfriend." Natawa si mommy dahil sa sinabi ko.
"Oh paano ba 'yan? Okay na pala ako sa mommy mo eh." Gusto ko na lang ulit magpagulong gulong dahil sa kilig na dala nitong si Chase!
"Hindi pa pwede, ha? Dadaan muna sa 'min 'yan at sa mga kuya mo." Muntik na ulit ako mapairap dahil sa sinabi ni daddy. As if naman may choice ako, kapatid ko pa rin sila kahit na kampon sila ng kadiliman.
"Yes, daddy." Natawa na lang ako sa sinabi niya kahit na alam naman ng lahat na peke iyon. I mean, oo, idadaan ko kay daddy si Chase pero sa mga demonyong 'to? Hindi na lang, ano!
"Pakilala mo na ako sa Dad mo para naman legal na tayo." Kinagat ko ang labi ko habang nag d-daydream tungkol sa amin ni Chase. Ano kayang pakiramdam maging legal sa parents? Wala kang p-problemahin na baka mahuli ka or what. Ang saya siguro n'on.
![](https://img.wattpad.com/cover/16261194-288-k688508.jpg)
BINABASA MO ANG
Me And My Four Evil Stepbrothers [COMPLETED UNDER DREAME]
Teen FictionSi Isany Buenaventura ay isang ordinaryong tao lang na humihingi ng pagmamahal galing sa kanyang mga kapatid. Noong bata pa si Isany ay iniwan siya ng nanay niya sa harap ng bahay ng Buenaventura. Dahil na rin sa kadahilanang walang babaeng anak si...