Chapter 1 - He's a Badass

237 6 0
                                    

Lilian Valenxia. (Leelyan - ganyan i-pronounce)

Lilian lang talaga ang tawag nila sakin.

Maganda,

mayaman,

mabait. palaban.

Ayokong minamaliit ako o kung sino mang malapit sakin. porket babae ako? Hindi na ako marunong lumaban?. Psh. nagkakamali sila.

Ritzhea Trisha de Guzman o Ritz

at

Kyla Estephan Sanchez o Kyla

ang dalawang kaibigan ko na kapareho ko ng katangian, ang pinagkaiba nga lang...

Madali silang maloko at masaktan.

"Hoy Lilian! Nakikinig ka? " bigla bigla nalang sigaw ni kyla

"H-huh? Ay sorry haha" sagot ko

"Chicser ang topic girl. Presence of mind pwede?" sabat naman nitong si ritz

"Ahh sorry naman , sila din naman nasa isip ko ah?" Nagkakamot ng ulo ko pang sagot

"Asus! Itong si Kyla kinakausap na raw ni Oliver " sabi ni ritz

"Di nga? Oliver Lance? o Oliver martin ? ah baka ulibhur mali lang pagkakarinig ko ? oh kay--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla siyang sumabat

"Bes!!! Oliver Lance! as in yung POSADAS! hay nako! , hinahatid niya nga ako sa room eh " sabi kyla na para bang earthworm na binuhusan ng asin

"Kilig ka naman diyan?" sabi ko

"Baka nakalimutan mo na ang background ni Oliver na yan?" dagdag ko

"Che!! Ang pogi pogi niya kayaaa!!" sabi ni kyla

"Psh. kahit mala adonis pa ang gwapo niyan. kung panget ang ugali. waley! " sabat ko

"Oo nga! At Hoy mas gwapo Owy ko!!!" sabi nalang bigla ni ritz

"Si olibeerr kaya!!!" sabi ni kyla

"si owy!" sabat naman ni ritz

"Oliver!!!" sigaw nanaman ni kyla

"Owy!!!!!" sabat ulit ni ritz

"Ver!!!!!" sabi naman ni kyla pabalik

Hay nako! para matigil na sila. sumigaw ako "Si ranz kaya ang gwapo ! wala pa nga sa kuko ni ranz si oliver at owy noh!"

"Grabe ka ah!!!!! " sabay nilang sigaw

"HAHAHA!!!, joke lang! lahat naman sila gwapo eh!!" sigaw ko

"Ayan tama! " sabi ni Kyla

"syempre si Ranz yung PINAKA! " dagdag ko ulit sabay walk out haha

"Ganyan! LILIAN!" sigaw ni ritz

Ang O.A talaga!

Tinignan ko ang relo ko

"Ay! May ilalagay lang pala ako sa locker ko. Hintayin niyo ko ha?"sabi ko

"Alangan namang iwan ka namin?! " sabi ni kyla sabay ikot ng Mata.

"Heh! oo na! " sabi ko at nagsimula nang maglakad

papunta na ko ng locker room ng biglang

*blag*

Napaupo tuloy ako

Nahulog pa yung mga bitbit kong libro

"Letche! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!"sabi niya

Aba nagalit pa tong mokong na to!

"grabe ha?! Baka ikaw yang parang t*ngang tumatakbo?! " sabi ko, tinignan ko yung nakabungo sakin

"Psh! Tabi nga!" sabi niya sabay tabig sakin

" Excuse me Mr. Posadas! Hindi porket 'Famous' ka eh gaganyanin mo ko!" sabi ko ulit

" Pake ko sayo?! i dont even know you!" sigaw niya at naglakad na palayo sakin

Aba bastos yun ah?! pagkatapos akong itumba aalis nalang ?!? ok lang naman talaga sana ! Kung maayos lang sana siyang nagsorry eh noh! At tinulungan man lang sana ako sa mga libro ko! Peste! Nagalit pa talaga!.

Kyla's POV

"ay mga bes punta raw ako sa rooftop sabi ni Oliver eh . byee" sabi ko sabay lakad papalayo

"Sus" sigaw ni Ritz pero si lilian hindi Malang umimik

Ano naman kayang naisip nung mokong na yun at tinawag ako?

Naglakad na ako papuntang rooftop hanggang sa nakarating ako. Ano nanaman kayang kalokohan to?. ...

Baka naman...Ah wala!

Nakita ko siyang nakatayo kaya nilapitan ko siya.

"Oh? bakit mo ako pinapunta dito? " sabi ko

"Hala! badtrip ka ata? ayaw mo na ba kong makita?" sabi niya , tinitigan ko lang siya , bigla siyang may linabas na bouquet,

Tap! tap! , Giseng kyla ! Giseng! Baka ipapabigay niya to sa kaibigan niya kasi nahihiya siya. Si Oliver mahihiya? Anong katangahan yan! Oh kaya eh ipapakita lang niya. Asa ka namang para sayo yan. Si oliver? Magbibigay ng flowers? Kalokohan.

"Ano naman yan? " sabi ko. Kahit na natatakot ako sa sagot niya.

"Kainin mo baka lasang adobo?" inirapan ko siya at naglakad palayo , kaso nahabol niya ko.

" Joke lang to naman ? meron ka ngayon? ba't ang sungit mo? " sabi niya

"Badtrip ka kase!" Nag pout pa ako.

"Stop pouting or I'll kiss you." Nakangise ni yung sabi

"tss!" Iikot na sana ako para umiwas sakanya kaso..

bigla niyang hinawakan kamay ko , Niyakap nalang ako bigla .

"Tayo na ah? " bulong niya

"Bastos! ayoko nga ! " tinulak ko siya palayo sakin.

"Aray naman kyla ! " sabi niya sabay hawak hawak pa sa chest niya kunyare daw nasasaktan.

"Joke lang oo na sige" sagot ko

"Sure? yess!! "sabi niya sabay yakap ulit

"Hindi, joke lang." Sabi ko

"Ah ganon. Ok." Sabi niya at sumimangot

"Biro lang naman! Oo na nga diba? Tayo na. Oo na. Pasalamat ka at mahal kita tss." Sabi ko

"Sige bye na muna puntahan ko lang mga kaibigan ko" sabi ko sabay takbo para hindi niya makita tong nangangamatis kong mukha! Kyaa!

Tama ba? tama bang sinagot ko siya? di panaman siya nanliligaw , pero bat ganon di ako maka hindi. Ang lakas na ata ng tama ko kay Oliver. Kahit na mahal ko siya. Hindi ko parin maalis sa utak ko na isipin kung Mahal kaya ako ni oliver. Kahit na may takot dito sa puso ko, iniisip ko nalang na nagbago na siya. Malay mo naman diba? He changed for the better.

Lahat naman ng tao pwedeng magbago diba? Hindi man nila nagawa dati malay mo ngayon kaya na nila. Everybody changes for a reason. Maybe he did.

Play On Words ft. Oliver Posadas (UNDER EXTREME REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon