Ma’am gising na po bumaba na po kayo...
Ahh sige ate 5 mins. Na lang
Jazryl gising na!
Kuya naman eh di na ako papasok!
Jazryl deanne naayos na lahat ng papers mo sa school kaya mag-ayos ka na...inaantay ka ni Katie sa labas
Matutulog pa sana ako ng narinig ko ang pangalan ni Katie
Katie? Bigla akong napatayo..
Kuya labas na!!! Maliligo na ako
Ahaha deanne nakakatawa iyang itsura mo hahahaha pricelesss!!!
Kuyaaa....yah! (sabay suntok ko sa kanya)
Oo lalabas na...papasok na ako sa trabaho bye bata!
Bata ka diyan tsupe kuya!
Napangiti na lang ako ng marinig ko pa rin ang tawa ni kuya hindi ko alam na mangyayari pa pala itong pinapangarap kong masayang pamilya kahit wala na si ate...
Kinuha ko ang picture ni ate...
Ate ang saya ko buo na ulit ang pamilya natin ate, ikaw na lang ang kulang...sana ate masaya kana din..
Isang likido mula sa aking mata ang nahulog sa picture ni ate, ngunit hindi dahil sa kalungkutan dahil ngayon ko lang naramdaman ang sinasabi nilang tears of joy
Pagbaba ko para kumain nakita ko nga si Katie sa sala....
Busy siyang nanonood kaya hindi niya ako napansin..,hindi ko muna siya kinausap kaya dumiretso ako sa kainan, hindi ko din alam kung ano ang sasabihin ko..hayy akala ko ok na lahat, meron pa pala sila
Pero lingid sa kaalaman ni Jazryl kanina ay napansin na siya ni Katie hindi lang siya umimik dahil hindi niya din alam kung ano ang sasabihin
Oh anak mag-iingat ka sa pagpasok, nauna na ang kuya mo, sige puntahan mo na yung kaibigan mo doon..
Sige po ma, bye
Ah Ka-Katie tara na...
Tumango lang siya
10 mins. Ang biyahe pero ni isang salita walang narinig sa aming dalawa ....
Nandito na kami sa hallway papuntang classroom ng makasalubong namin si Fretzie..
Oh look who is here babe, (Fretzie)
Oh babe nandito na pala ang mga bestfriends mo oh? Reunion ba to?
Haha, babe naman pinapatawa mo talaga ako, hindi naman ako traydor eh, reunion lang nilang dalawa..
Oh ganun ba babe *smile* sige una na ako ah *sabay kiss sa pisnge* bye babe...by girls