Unread: Love Letter [2]

50 1 0
                                    


"May pag-asa pa kaya? Tingin mo?" Tanong ko sa sobre na hawak ko which is yung Love letter.

Kinalkal ko talaga ang basurahan sa school.

Basta! Hindi ko kasi kaya eh... hindi ko siya kayang pakawalan.

Martyr na kung Martyr pero wala eh. Tinamaan ako.

Nandito ako sa Court kung saan naglalaro ang Varsity ng basketball kaya paniguradong nandito siya.

Madaming nagtitilian. Madaming sigawan at tulakan. Lakas maka 'Young Wild and Free'.

Nakita ko si Gina kaya sumigaw ako.

"Gina!" Nagpalingon-lingon siya kaya kumaway ako kasi hindi nya ako makita sa dami ba naman ng tao.

"Dito! Bilis." Sabi ko. Dali-dali naman syiang lumapit nang makita niya ako.

"Musta?" Tanong ni Gina. Sumimangot ako tsaka tinuro yung Screen.

"Hala! Lamang ang kalaban?" Lalong humaba ang nguso ko.

Lamang ang kalaban ng 13 points. Nakakahiya naman kung matalo kami dahil home court.

"Ano ba kasing nangyari?" Tinignan ko si Miko na nag-shoot ng 3 points kaso hindi pumasok.

"Anong nangyayari kay Miko?" Napayuko ako.

"Kanina pa siya ganyan." Actually kaninang umaga nakita ko siyang umiiyak sa library nang utusan ako ni Ma'am Esquerdo.

Nakaub-ob siya sa lamesa at tahimik na umiiyak. Noong una akala ko natutulog siya pero nang tumayo siya nakita kong nagpunas siya ng luha sa mata niya. Gusto ko sana siyang lapitan kaso naisip ko.

'Close ba kami?'

Baka sabihan nya pa ako ng FC kapag nagkataon.

"Ano ba naman iyan! 15 points na! Mahahabol pa ba natin yan?"

Tinignan ko ang harap namin.

"Hindi na ata! Ano bang nangyayari kay Miko? Siya pa naman ang inaasahan ng team."

"Tama ka. Ka-turn off ang putek. Walang ambag--" Natigil sila sa pag-uusap ng ibagsak ko yung Banner sa harap nila. Pinigilan naman ako ni Gina.

"Uy Jane. Kalma lang." Hindi ko siya pinansin at tinitigan lang ng masama yung dalawang impakta.

"Problema mo?" Mataray na sabi nung isa.

"Kayo! Kayo ang problema ko. Kung hindi ba naman kayo isa't kalahating Gunggong! Porket hindi lang maganda play niya hindi na agad magaling? Wala ng ambag? Hello! Malay niyo may problema siya diba? Hindi nyo kasi alam ang buong kwento!!" Nanlilisik ang mga mata ko.

Sasagot pa sana yung isa pero pinigilan siya ng kasama nya saka umalis na sila.

Ayan! Tama 'yan! Hwag na kayo bumalik!

Ako naman eh kinalma ni Gina.

"Nakakainis lang kasi! Hindi nila ma-appreciate yung effort ni Miko sa paglalaro."

"Eh ikaw Jane? Na-a-appriciate ka ba ni Miko?" Natahimik naman ako saka yumuko.

"H-hindi."

"Exactly. Iyan din ang problema sayo eh! Nag-e-effort ka pero iyong binibigyan mo ng effort ayun... may kahalikan."

Nakarinig ako ng malakas na sigawan. Akala ko dahil sa laro pero hindi pala.

May dalawa kasing taong naghahalikan.

"Jane!" Hindi ko siya pinansin at tuloy-tuloy lang sa pagtakbo.

Grabe naman! Masyado silang PDA. Sana naman tinago nila diba?

Hindi yung lantaran kasi may nasasaktan!

Pero syempre hindi nila kasalanan kung nagmamahalan sila. Ako lang talaga yung may problema.

Napadpad ako sa likod ng school.

Hiningal ako at puno ng pawis. Grabe. Instant exercise.

Nasasaktan pa rin ako pero pinigilan ko ang mga luha ko.

Umakyat ako sa isang puno.

Unggoy ang peg ko. Buti na lang tinuruan ako ni Papa noon na umakyat noong nasa probinsya pa kami.

Ramdam ko ang preskong simoy ng hangin mula sa taas.

Nakakantok. Kung itulog ko kaya 'to? Baka paggising ko wala na yung sakit... and hopefully... mawala na rin yung feelings ko para sa kaniya. Hindi naman siguro ako mahuhulog dito? Right?

Pipikit na sana ako ng maramdaman kong may tao. Dumilat ako at tumingin sa baba para lang makita ang dahilan kung bakit ako tumakbo.

Hingal na hingal siya at halatang may hinahanap. Anong nangyari? Tapos na sila maghalikan-- I mean yung laro?

"Asan ka na..." Mahinang bulong nya. Kumunot ang noo ko. Nakita ko siyang pumikit tapos nagmura.

Dapat maturn off ako since nagmura sya pero ba't ganon?

I find it cool. Lol.

"Shit naman oh! Bakit ka ba kasi tumakbo?" Mukha siyang tanga sa baba pero since ako ang nandito... mukha syang artista na nagre-reherse lang ng script nya.

"Ikaw lang yung dahilan ko eh! Ikaw yung dahilan kung bakit pinilit ko maglaro kahit nilalagnat ako tapos ano? tatakbuhan mo ko?" Mukha talaga siyang ewan. Pero ano daw? Tinakbuhan? Eh diba naghalikan sila? Hays. Sira din 'to--

"Buyset naman! Anak ka ng tukneneng Jane Marco!" Nanlaki ang mata ko.

"Ako? Anak ng tukneneng?" Napamura sya at gulat na tumingala.

"What the-"

Ayyy!  Ang shunga mo Jane! Sana hinayaan mo na lang siyang isipin na 'Anak ka ng tukneneng'

Ang shunga mo. Grabe! Ang SHUNGA!

Boba ka talaga Jane!

Dear self,

Hope you die now. As in NOW!

Unread:Love Letter[Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon