Hi Miko,
2nd year highschool ako nung first time kitang makita. Transferee ka naman. Nung una deadma lang ako. Tamang deny deny sa feelings, pero hindi ko namamalayan na napapangiti na ako kapag ngumingiti ka. Ang cute mo kasi lalo na kapag inaasar ka ng mga kaklase natin. Pasimple akong tumitingin sa likod para makita kung pumasok ka ba at kapag break time titignan ko kung anong food bibihin mo tapos ayun din akin para kunwari soul mate tayo.
Nung una akala ko 'Crush' lang, pero nagising nalang ako na umiiyak dahil nalaman kong girlfriend mo yung Muse natin na si Kath.
Actually rumors lang yun pero the way I see it through my own eyes alam kong may something kaya nawalan ako ng pag-asa at pinilit kong kalimutan ang feelings ko sayo.
Lumipas ang isang taon at 3rd year na tayo, still classmates parin. Mas lalong tumindi ang feelings ko para sayo.
Waepek yung 'Move on' kuno na plinano ko last year.
One day nalaman ko na nagkasakit ang Mommy mo kaya almost 1 month kang hindi pumasok. Tapos nung Monday pumasok ka na ulit, tuwang-tuwa ako. Nakita na ulit kita kaso bakit ang lungkot mo? Bakit kahit nakangiti ka habang nakikipagkwentuhan sa katropa mo eh hindi ko makita ang saya sa mga mata mo? Hindi ko makita yung kaligayahan. May problema ba?
Sa sobrang curious ko naglakas loob akong kausapin yung isa mong katropa na si Rodel at nagtanong kaya nalaman kong namatay pala ang Mommy mo sa breast cancer. Kinagabihan umiyak ako. Ramdam ko kasi ang lungkot mo. Kaya umiyak ako. Nakikiramay ako.
4rth year highschool na tayo at ganun parin. Walang pinagbago. Sulyap. Diyan lang! Hanggang diyan lang ang kaya ko.
Ang tumingin sa 'yo mula sa malayo. Hindi na nga tayo Classmates kaya nalungkot ako. Unti-unti kong tinatanggap na wala na talaga akong pag-asa kaya nang may nanligaw sa' kin ay sinagot ko.
Akala ko nga okay na ako kasi masaya naman ako sa piling nya, mabait si Gray pero may kulang.
Hanggang sa isang araw nung Intrams. Busy ang lahat sa pag-aasikaso, kasama ako sa Volleyball team at ikaw naman sa Basketball team. Pinanood kitang maglaro, no choice dahil nandun yung boyfriend ko. Ang galing mo nga eh. Hehe. Ang cute mong tignan lalo pa't pawis ka.
Nung magtime out saglit ay lumapit ako para abutan ng tubig ang boyfriend ko. Gusto nga sana kitang bigyan ng tubig din dahil dalawa naman ang dala ko pero nagulat ako ng lumapit sa iyo si Kath at hinalikan ka. Natulala ako nun tapos nagtatatakbo. Umiyak ako ng umiyak sa CR. Katok ng katok yung boyfriend ko pero wala akong pakialam.
Nung time na kami naman ang maglalaro ay lutang ako at wala sa sarili. Ilang beses ako pinagalitan ng coach namin dahil nagkakalat na lang ako. Tapos sa hindi inaasahang pangyayari ay natamaan ako ng bola. Nahiya tuloy ako kasi nalaman kong nanonood ka pala kaya nagkunwari akong nahimatay pero nagulat ako nang lumapit ka para buhatin ako papuntang Clinic. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko to the point na sasabog na ito.
After that ay nakipag-break ako sa boyfriend ko. Feeling ko kasi niloloko ko lang sya pati narin ang sarili ko. Wala na akong pakialam kung hindi mo ako mapansin. Ok na ko sa simpleng sulyap. Makukuntento na ako kahit na masakit.
Hanggang sa makita kitang umiiyak sa Library. Gusto kong malaman kung bakit ka umiiyak tapos sabi ng barkada mo dahil daw sa isang babae. Niloko ka ba nya? Ang kapal niya naman! Sasaktan ka lang niya ng ganun? Samantalang ako na minamahal ka eh hindi ka man lang malapitan tapos siya eh sasaktan ka lang?? Ako na mahal ka na hindi ka malapitan tapos siya paiiyakin ka lang? ANG KAPAL!
Dapat kasi ako nalang. Ako nalang ang mahalin mo. Hwag sya.
Ngayong Senior High na tayo, gusto kong sumugal. Gusto kong sumubok kaya ginawa ko 'tong Love Letter para ipaalam sayo ang nararamdaman ako. Na mahal kita. Na ang babaeng Classmate mo nung 2nd Year at 3rd year na si Jane Marco ay minamahal ka Miko Andres.
Yeah! I Loved you and still Love you, Until now.
Ayun lang.
P.S. Sana maging friends tayo. Kahit friends lang. Ok lang ba?
Itinupi ko ang papel at ipinasok sa sobre.
"Miko. Musta na kayo ni Kath?" Nahinto ako sa tangkang paglapit sa kanila. Bumuntong hininga ito.
"Okay naman." Tipid itong ngumiti. Bago pa nila ako makita ay nagtago na ako.
"Ayiiieee. Going strong." Natawa siya at binatukas ang kaibigan. Napayuko ako.
Tinignan ko yung sobre na hawak ko ngayon.
"Mukhang hindi ka na nya mababasa kahit kailan." Nakakita ako ng basurahan tsaka ko itinapon ito.
Pinunasan ko ang luha ko tsaka ako umuwi at umiyak ng umiyak.
I hate Love Letters!!
BINABASA MO ANG
Unread:Love Letter[Short Story]
Historia Corta[UN Series #1] A Short Story of Jane Marco who wtote a Love Letter for her long time crush named Miko Andres. Can Miko be able to read her Letter? or will it remain Unread Forever? ♡♡♡