Ughhh! Really? Ganyan na sila makareact dahil lang sa isang transferee? Damn serious? Ha!ha! Bakit? Mukhang k-pop na ba yang mukha niya? Sehun? Kim Taehyung? Lee Min Ho? Jun Ho? Gusto ko tuloy makita siya, pero syempre joke lang. Hindi naman siya artista para makisali ako sa mga babaeng yun noh!
Nakita kong nagkagulo ang mga tao dito sa cafeteria dati naman hindi naman ito dinudumugan ng mga tao e may special menu ba silang inihanda ngayon? Gusto kong matikman yun kung meron man.
"Kyaahh" sigaw ng mga babae dito. Hindi pa ba sila titigil? Baka hindi nila alam na nabibingi na ako sa kanila. Dahil may mga tinitingnan ang mga tao kaya mukhang nakuha tuloy nito ang mga atensyon namin.
"Ano bayong tinitingnan nila?" tanong ni Tina at sabay pa kaming nagkibit-balikat ni Jess. Malay ko ba kung ano ang tinitingnan ng mga tao doon at nakita ko rin sa mga tao na nakisiksik din pala si Diana sa kanila at nakikisigaw pa. Tss.
"Punta kaya tayo doon para malaman natin kung ano ang tinitingnan nila"wika ni Jessica at sumang - ayon naman itong si Tina hindi sana ako sasama sa kanila pero hinila lang naman nila ako kaya napasama tuloy ako.
Ang daming taong nagkumpulan dito. This is what I hate the most ang makikisiksik sa mga tao. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin pero natagpuan ko nalang ang sarili kong naghanap ng paraan kong paano ako makakakita since puro matatangkad ang mga tao sa harapan ko. At dahil hindi nga ako makakakita kung ano ang tinitingnan nila dahil sa maliit nga ako sa katunayan sa aming apat na magbabarkada e ako ang pinakamaliit. Buhay maliit nga naman. Nang nakakuha ako ng upuan ay doon ako tumuntong at hinanap ang tao nayun.
Nang nahanap ko na kung sino ang tinitingnan nila ay nagsisisi na ako dahil gumawa pa talaga ako ng paraan para makita siya pero ng naglakad siya sa harap ko ay nagsmirk lang siya sa akin. Abat! Akala mo kung sinong pogi talaga. Bumaba ako at naglakad na papuntang room 102 bahala kung magalit man sa akin si Tina dahil iniwan ko siya e ano naman? Yung lalaki lang na yun pala ang makikita ko.
Nung pumasok ako sa loob ay nakita ko na papalabas ng room si sir Alex. Ngumite ito ng nakita niya ako.
"Jazz buti nalang at nakita kita agad" owhhsss? Bakit sir miss muna agad ako? Joke!
"Bakit po sir ?"
"May sasabihin sana ako sayo " hala! Huwag niyo pong sabihin na aamin na po kayo na gusto niyo po ako? Ngumite lang si sir sa akin.
"Jazz pumunta ka ng room 101 at 1 dahil gusto ko na ikaw ang magbibigay ng halimbawa sa kanila tungkol sa tula "
"po?ako? " sabay turo ko sa sarili ko. Bakit ako pa?
"dahil alam naman nating magaling ka sa ganyan e"
"okay po"
Bago ito lumagpas sa akin ay tumawa muna si sir at lumapit sa akin.
"Jazz ikaw ha ganyan pala yang mga iniisip mo" sabay pailing-iling nito bago umalis ng tuluyan. Napanganga ako sa sinabi ni sir sa akin.
Nasapo ko ang sarili ko nang maisip na naging psychology student pala si sir noon. Aiisshh! Tanga ko talaga! Nakakahiya tuloy.
Iniisip ko ang sinabi ni sir sa akin na ako ang magbibigay halimbawa na gumawa ng tula? At sa lahat pa ng section sa ABM room 101pa talaga.
Dahil mabilis ang oras kaya papunta na ako ngayon sa room 101 binagalan ko lang ang lakad ko dahil ayoko na mabilis akong makarating sa room nayun pwes! Ganito talaga ako kapag ayaw kung pumunta sa isang lugar binabagalan ko lang yung lakad.
Habang naglalakad ako e napapansin ko na parang may sumusunod sa akin kaya nilingon ko ito pero wala naman akong nakita siguro naghahallucinate lang ako. Dahil malapit lang naman ang room 101 kaya nakarating agad ako doon. Nakakahiyang pumasok dahil nakapasok na lahat ng estudyante doon at tahimik na ang lahat ng mga estudyante doon. Napansin ko rin na nandoon narin si sir Alex. Napatingin sa gawi ko si sir at ngumite ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/127864457-288-k549922.jpg)
BINABASA MO ANG
FlipLove Battle
Teen FictionAng kalaban ay kalaban. Ang kaibigan ay kaibigan. Ang traydor ay traydor. Ang mahal ay mahal?? Teka,teka nalilito ako paki rewind nga. Ikaw ang mahal ko, sana huwag kang malito. Ikaw ang palaging laman nitong aking puso. Mahal kita,mahal mo rin ba...