"Jazz sumali kana please" pakiusap niya."Pwede ba, huwag mo nga akong kulitin!"
Pag hindi talaga to titigil uupakan ko na talaga to. Ang kulit kulit e. Palagi niya talagang sinasabi na sumali ako sa awayang yun.
"Please talaga Jazz kahit bukas lang kapag hindi mo nagustuhan then huwag ka nang bumalik doon"
"Ayoko!"
"pleasseee"
"No!"sabay akyat ko papuntang kwarto pero nasa taas pa lang ako ng hagdan e nangungulit na naman itong magaling kong pinsan.
"Jazz hindi kaba naaawa sakin?" sabay puppy face nito,yucckkk! Hindi bagay, promise. Nakakasuka.
"Hindi!" Diritsahang sagot ko.
"Ouch! Sakit non ha." May pa hawak-hawak pa siya sa dibdib niya na para bang nasasaktan talaga.
"Yuck! Hindi bagay insan"
"Jazz naman e kahit bukas lang sayang naman may pera din tayong kikitain don"
"Yun tayo e noh? Kapag pera na ang nandyan hindi pahuhuli ang aking PINSAN!" diniinan ko talaga ang pagsabi ng pinsan para malaman niya na nagmumuka na siyang pera.
At mukha pa siyang natuwa sa sinabi ko.
"wow! Jazz PERFECT! Ganon lang naman ang gagawin mo e magfifliptop ka lang bukas"
Naiinis na talaga ako sa kanya kaya bago ko pa siya mahampas e naglakad na ako pero hindi ko namalayan na na sagi ko pala ang mamahaling vase ni tita kaya gumawa ito ng malaking ingay.
Napatigil kami ni Jessica sa pag-aaway dahil sa nabasag na vase. Tiningnan ko lang siya ng 'anong gagawin natin 'look pero nakibit balikat lang siya sakin sabay alis.
"Hoy! Jessica anong gagawin ko?"
Naglakad lang siya na para bang wala siyang naririnig sa mga sinasabi ko kaya naman hinila ko siya pabalik sa harapan ko.
"Jess please tulungan mo naman ako "pagmamakaawa ko sa kanya.
"Tulong? Ikaw lang naman ang may gawa niyan e. Lagot ka kay mommy" pang-aasar nito.
Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko malalagot talaga ako nito kay tita ayaw pa naman niya na may sisira sa mga mamahaling gamit niya. Nagulat ako nung sumigaw si tita na nasa baba.
"Jessica! Jazz! Anong nangyayari dyan ha?!" at naririnig ko na ngayon ang mga yapak niya sa hagdan.
Lord tulungan niyo po ako ngayon alam ko naman na palaaway ako na tao pero hindi ko na po iyun gagawin ulit magsosorry na po ako sa kanila.
"Alam mo Jazz tutulungan kita kung gusto mo pero sana tulungan mo rin ako"
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.
"Diba kapag tutulong ka ay dapat hindi ka manghihingi ng kahit anong kapalit?" ngumite lang siya ng nakakaloko sakin.
"Hahay, Jazz alam mo naman na sa panahon ngayon bawal na ang libre kung tutulong ka dapat may kapalit"
Mukhang masama ang pakiramdam ko sa kapalit na iyan.
***************
"Clemon...Clemon....Clemon" yan ang maririnig mong hiyawan dito ngayon sa venue. Ang ingay pala dito. Sobra. Ang daming tao sa paligid parang gusto ko na tuloy umuwi.
"Umuwi nalang kaya tayo Jess "
"Ano kaba kaya mo yan, kaw pa!"
"At tawagin natin ang makakalaban ni Clemon.... siya si Jaaazzzzzzz"
Maririnig na ngayon ang 'boo ' nila sakin. Sa pag-akyat ko palang ay madami kanang maririnig na hiyawan.
"Ano bayan umuwi ka na " sigaw nung kalbo. Oo, sana kung pwede palang e kanina pa ako umuwi.
Pagdating ko sa gitna ng stage kung saan nandon si Clemon at ang referee? Basta. Huminga muna ako ng malalim.
"Bata magpakilala ka nga" wika nung referee sakin.
"Ako si Jazz" tiningnan lang nila ako ng 'yun lang?'look. Pshh, don't expect me na pahabaan ang sasabihin ko dahil nakakakaba na dito sa tingin ko nga na nag uumpisa ng sumayaw ang tuhod ko.
"Sige,sige umpisahan na natin ang laban. ..... alam niyo naman ang rule dito diba? "
Rule? Wala akong alam e kaya nagsign ako na hindi ko alam. Ngumite lang ang referee sakin.
"Good! Dahil wala naman tayong rule dito e hanggat kaya mo ibuga mo" eh? Walang rule. Ayos!
"walang rule at wala ding topic dito kaya kung may gusto kayong sabihin sa isat-isa abato niyo na. Hindi to pormalan kaya meron tayong personalan "
"Ano pang hinihintay natin..... kaya umpisahan naaaaa" sigaw ng referee.
Unang nagsalita si Clemon.
"Alam mo babae ,hindi mo ako dapat hahamunin,
ikaw pa talaga ang lalaban e wala ka namang panama sa akin!
Hindi dahil marunong ka nang magfliptop ay hahamunin muna ako ng ganyan,
isipin mo muna kung ano ang sasabihin mo sa hari ng fliptopannn!""Clemon. Clemon. Clemon" sigaw ng mga tao pero nung nagsalita ulit siya ay nawala na ang sigawan.
"kung gusto mong sumikat
huwag ka dito magpasikat,
pumunta ka ng showtime
at doon ka magpashine.Iyang hitsura mo hindi bagay dito,
sayang naman baka may tsansa pa na magkagusto sayoooo." May panghihinayang niyang sabi."Prrrt....time" sabay tango sakin ng referee.
"Pwee! Huwag nalang kong ikaw ang magkakagusto sakin!
Kung gusto mo ang ganda ko, pwess! Dyan ka na lang at tumingin.
Hindi kasi ako magkakagusto sa isang kalbong pandakin!
Isipin mo na lang na hindi ka talaga pwede magmamay-ari sakin!""yeahhh" sigaw ng mga tao sakin. Ang sarap pala pakinggan. Ang sarap sa tenga.
"Anong sabi mo? Ako nagpapasikat?
Well,well hindi ako magpapasikat sa isang taong kagaya mong kulilat!
At sinabi mo pang pumunta akong showtine para doon magpashine?
Tssss,ikaw na lang kaya para okay na at maging fine.""booo!" ang maririnig mo ngayon dito. Hindi ko alam kung sino talaga ang bi-noo nila e.
"Alam mo,hindi ko alam na hari ka pala ng fliptopan!
Ang akala ko kasi na alien ka na galing sa kalawakan!
Ako? Walang panama sayo? Hoy! Palagi tong panalo sa mga balagtasan.
Huwag mo akong iismolin dahil hindi mo ko makakayanan! " sabay turo ko sa sarili ko."Okay mukhang maganda ang labanan ah... ikaw naman Clemon"
"Dapat sana sayo ay gawing prisesa,
uupo ka lang at tatawagin kitang mahal na reyna.""Uhh! Galing no Clemon" sigaw nung lalaki sa gilid.
"Kaso nga lang lahat huli na
dahil nandito ka at hinahamon ang dakilang hari nila
pero pwede ka namang umatras kapag gusto muna,
at sasabihin mulang na teka lang.... please ayaw ko naaa!Alam mo kasi na hindi ka bagay sa entabladong ito
dahil wala ka namang patutunguhan kahit anong gawin mo!
Pwede karin namang tumakbo kapag okay na sayooo
na tatanggapin mo lang naman na ikaw ang talo at ako ang panalooo!"
Nag-uumpisa na akong mainis sa kanya ah. Calm down Jazz. Buhay mo ang nakasalalay dito dahil kung matatalo ka paniguradong sa labas ka talaga pupulutin.
"Clemon!Clemon!Clemon" ha!ha! Ang sarap pambatuhin tong mga taong to noh? Nangangati na talaga ang kamay ko sa inyo guysss. May hawak pa naman akong mic ditooo.
BINABASA MO ANG
FlipLove Battle
TienerfictieAng kalaban ay kalaban. Ang kaibigan ay kaibigan. Ang traydor ay traydor. Ang mahal ay mahal?? Teka,teka nalilito ako paki rewind nga. Ikaw ang mahal ko, sana huwag kang malito. Ikaw ang palaging laman nitong aking puso. Mahal kita,mahal mo rin ba...