Matapos ang huling klase namin sa umaga ay nagkita-kita agad kami sa cafeteria para kumain. Habang kumakain kami ay panay ang chismis ng mga tao dito tungkol sa kung ano-ano lalong-lalo na nung pumasok ang grupo ng Dylan na yun. Lahat ng mga tao dito napatingin sa kanya. Wow! Artista lang ,teh?
"Guys, kamusta ang mga clubs niyo? Diba whole day tayong magprapractice bukas?"
Iba- iba kami ng club na sinalihan e sina Jess at Diana ay sa theatre club, si Tina sa Math club kasi doon naman siya matalino e at ako? Well, hindi ako sumasali sa mga SPP na club sa music club ako dahil gusto ko lang kumanta at sumayaw yan lang! Dito kasi pag music club ang sinalihan ibig sabihin non na dapat marunong kang kumanta at sumayaw kung kanta lang ang alam mo e sa GLEE club ka at kung sa sayaw lang e sa dance club ka, ganon!
"So? Anong gagawin niyo bukas?"
Katahimikan....
Napatingin ako sa mga kinakausap ko dahil ni isa sa kanila wala man lang nagsalita. Kaya naman pala e. Lahat sila nakatuon sa lalaking iyun habang tinitingnan nila itong sumusubo ng pagkain na nakikipag-usap sa mga kaibigan niya. Nabalik lang sila sa realidad ng hinampas ko ang lamesa dahilan para mapunta ang atensyon ng lahat sa direksyon namin. Well, ako na ang dakilang attention seeker.
"Insan, bakit mo naman hinampas ang mesa? "
"E, kasi naman po kanina pa po ako nagsasalitang mag-isa dito e" napakamot pa ng batok itong si Tina.
"Ganon ba? Bakit, ano ba ang sinasabi mo?" Napataas nalang ang kilay ko sa kanila. Wala. Ayoko ng sabihin ulit ang mga nasabi ko na e.
Magsasalita na sana si Diana pero biglang naagaw ang atensyon naming lahat sa kabilang mesa.
"Akin na yang baon mo sabi e!" Sigaw nung lalaking nanlilisik ang mata habang nasa likod naman niya ang mga kaibigan niya. Ano sila dito,gangster? Napaismid nalang ako sa sunod niyang ginawa sa lalaking mag-isa na nananahimik sa mesang iyun dahil kinuha lang naman niya ang bag nung kaawang awang lalaki sabay itinapon niya lahat ng laman nung bag at ipinasok ang ulo ng lalaki sa bag kaya lahat gulat sa nangyari.
"SINABING AKIN NA NGA ANG BAON MO!" kukunin sana ng lalaki ang bag na nasa ulo niya pero pinigilan siya ng mga kaibigan nung siraulong iyon.
"W-wala akong i-ibang dala yan lang"
Bago pa niya masuntok ang lalaki e napigilan ko pa ang braso nito kaya napatingin sila sakin.
"Hoy, Jazz! Huwag ka ngang makialam dito!" Hinablot niya ang kamay.
"alam mo Gregorio tigilan mo na nga siya!"
"Pasalamat ka hindi ako pumapatol sa mga babae" yang talaga ang linyang palaging sinasabi e hindi ba sila na-inform na lahat na tayo pantay-pantay? Kung iyon ang iniisip nila e ako pumapatol sa mga lalaki e.
"Ang sabihin mo naduduwag kalang!" Napangise siya sa sinabi ko at aakmang susuntukin ako, ang kaso lang ay may pumigil sa kanya at napatingin kami sa kanya.
"Alam mo, hindi mo dapat pinapatulan ang mga taong mas maliit pa sayo kaya humanap ka ng kasing tangkad mo!" Magsusuntukan na sana sila pero may biglang pumito.
"All of you. Come to my office,NOW!"
Tahimik lang kaming dalawa sa loob ng detention room. Grabe noh? Sa dami namin kanina kami lang dalawa ang na detention. Para tuloy kami yung naging masama,tss. Narinig ko ang malakas niyang pagbuntong hinga. Namomroblema ba siya dahil sa nandito siya? Edi, sana hindi nalang siya tumulong!
"hindi ka nalang sana tumulong pa!" Sabay irap ko sa kanya.
Nakita kong tiningnan nya ako ng masama bago nagsalita.
BINABASA MO ANG
FlipLove Battle
Genç KurguAng kalaban ay kalaban. Ang kaibigan ay kaibigan. Ang traydor ay traydor. Ang mahal ay mahal?? Teka,teka nalilito ako paki rewind nga. Ikaw ang mahal ko, sana huwag kang malito. Ikaw ang palaging laman nitong aking puso. Mahal kita,mahal mo rin ba...