LEARN THE ART OF DEADMA.

5 3 0
                                    

"Mahal kita.." sabi niya.

Nakakainis. Nakakabwiset. Nakakabadtrip

Napaka overwhelming naman ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

Bakit ba wrong timing ako palagi? Sa lahat naman ng maririnig ko ayan pa.

Akala ko sa love story na kinapapalooban ko, ako yung bida pero ako lang pala yung dakilang extra.

Sa mundong ito 'lahat nagbabago' ayan ang napatunayan ko. Kung dati mahal ka niya pwedeng ngayon hindi na.

Masakit? Oo sobra! Kaya nga sinubukan ko siyang kalimutan pero kahit anong gawin ko, kahit anong pilit ko at the end of the day siya pa rin yung lagi kong naiisip.

Lahat ng galak napalitan ng lungkot. Lungkot na nagdulot naman ng sakit. Sakit na nagdulot ng luha. Luha na 'di na mapigilan sa pag-agos.

Napakabobo ko, bakit ba hindi ko naisip na tao lang din siya, napapagod?

Napagod siguro siya kakagawa ng moves mapansin ko lang. Akala niya siguro binabalewala ko lang siya..

Ayan tuloy nakahanap siya ng ibang babae na magmamahal at magpapahalaga sa kanya na ginawa, ginagawa at gagawin ko rin naman kung sakaling maging kami.

"Mahal din kita." sabi niya naman.

Kaso huli na ata ang lahat. Nagpalitan na sila ng 'mahal kita at mahal din kita' Yung mga binuo kong pangarap kasama siya gumuho na.

Don't forget to vote and comment.💗
Follow me🌙

A Deal Became A Real. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon