<Rikka POV>
Andito ako ngayon sa airport ng England, inaantay ko ang Tiya Betty ko... Nauna kasi siya pumunta dito para maasikaso niya ang mga kailangan kong papeles para sa bagong school na papasukan ko... At napa aga ng dating ang flight ko, imbes na 8am naging 7am..
"Hmmmm... mukhang uulan ah??? Sana ok lang si Tiya...." sabi ko habang nakaupo sa isang coffee shop at nakikinig ng tugtog sa aking celfon... (FYI... I LOVE COFFEE...)
123456789 years later......
"Hala, 12 na bakit wala pa si Tita.... anu na kaya nangyari dun?? sana ok lang siya,..." pag alalang sabi ko sa kanya habang patingin tingin ako sa aking relo...
Napatayo ako ng makita ko ang aking Tiya na papasok na ng airport....Kinawayan ko siya pero mukhang hindi niya ako nakikita kaya kinuha ko ang mga bagahe ko para lapitan siya...
"Tita, and-----... AYY!!!!" napatigil ako ng biglang may nakabangga akong isang tao at nahulog lahat ng mga bagahe ko at bagahe niya
"I-I'm s-sorry, I-it's m-my f-fault...S-sorry.." pautal-utal kong sabi sa kanya...
Napatingin ako sa kanya... Lalaki.... Maputi... Dark Brown ang kanyang buhok, medyo may kahabaan ng konti ang buhok, matangkad parang 5'9 (so kamusta nman ang height ko?? balikat lang niya??) parang kasing edad ko lang ata ito, medyo matangos ang ilong at ang kanyang mga mata kulay dark brown... nakasuot niya ng plain white polo, itim na slacks at itim na sapatos...so in short... ang GWAAAPOOOO!!!
Dali-dali kong kinuha ang mga bagahe ko....pero hindi ko maiwasang mapatingin tingin sa kanya na kasalukuyang kinukuha din ang kanyang mga gamit... May napulot akong isang itim na maliit na bag, at mukhang sa kanya ito,...
Bibigay ko na sana ito, pero nung lumingon ako...
"Ngek???? w-wala na??? Nasan na yun?? Hala!! naiwan niya ito oh... Haizt!!" nakaramdam ako ng panghihinayang na hindi ko malaman, hindi ko alam kung bakit..Pero bakit ganun parang nakita ko na siya, hindi ko lang maalala kung saan...
Natuon ang aking atensyon sa pag iisip kung saan ko nakita ang lalaki ng biglang......."Rikka!!!"
"Ay!! Tokwa!! Naku Tita kayo lang po pala, Akala ko po kung sino na.. Ano po nangyari sa inyo? Bakit ngayon lang po kayo", tanong ko sa kanya.
"Sorry... kasi naman nasiraan kami habang papunta dito kaya ngayon lang ako nakarating..." Pagpapaliwanag ng aking Tita habang isa-isa naming nilalagay ang mga gamit ko sa loob ng sasakyan...
Sa bahay ng aking Tita
Mayaman ang aking Tita Betty, may-ari siya ng isang malaking boutique na dinadayuhan ng mga mayayamang tao... pero kahit ganun, mabait pa din siya at palaging tumutulong sa kapwa.. bunsong kapatid siya ng mommy ko at pareho silang maganda.. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya dahil hindi niya ako iniwan nung namatay sila mama at papa..
Tinuro sa akin ng aking Tita yung magiging kwarto ko....
"Oh Hija, eto na magiging kwarto mo... hmmmm... eto ang naging kwarto ng Mommy mo nung maliit kami, kaya naisipan ko na baka gusto mo na dito sa kwarto niya ikaw mag stay..." sabi niya...
"Ok lang po Tita... Maraming salamat po sa lahat ng tulong na binigay niyo po sa akin...." mangiyak na ako habang naalala ko sila mama at papa..
Nilapitan niya ako at niyakap, "wag ka mag alala Rikka, hanggat nandito ako, hindi kita pababayaan, Promise yan ok... kaya wag ka na malungkot... at sino pa ba ang magtutulungan diba? tsaka, sawa na ako mag isa dito, mas masaya pag may kasama ka diba??".. Oo nga pala, sa edad na 30, wala pa siyang naging asawa kaya tuwing nandito siya sa England, mag isa lang siya...malungkot... pero ngayon pareho na kaming masaya...kasi magkasama na kami...
"Oh sya! Magpahinga ka muna dyan at matulog panigurado napagod ka sa biyahe..ipapagising na lang kita pag kakain na ok?" sabi nito sabay umalis na ng kwarto..
Napahiga na lang ako sa kama, at nagpahinga..... tinignan ko ang buong paligid ng kwarto... napaka peaceful, very relaxing, may nakita din akong mga cross at bibles... religious kasi ang mama ko kaya ang collection niya ay mga rosaries, bibles, figurines at marami pang iba...hindi ko na din namalayan na nakatulog ako...
Habang natutulog ako, hindi ko alam kung matagal, pero bigla akong nakaramdam ng biglang may nakatingin sa akin... parang pinagmamasdan ako... bigla akong napaupo...
WWHHOooOOsSSHH!!!!
Bumukas bigla ang bintana...
"Hay!! baka hangin lang" nasabi ko na lang... sinara ko na lang ang bintana at napadako ang tingin ko dun sa itim na bag ng lalaki... Kinuha ko ito at tinignan ko...nag isip...
"Bubuksan ba kita o hindi??" Haizt!! nag tatalo ang isip ko.. kasi hindi naman likas sa akin ang pagiging pakilamera ng gamit na hindi sa akin...pinakiramdaman ko ung laman ng bag.. matigas at maraming kurba... at mejo mabigat....HAIZT!!!
BUBUKSAN??
HINDI??
BUBUKSAN???
HINDI????
"Haizt!!! mamamatay ako sa curiosity!! silip lang naman.. hehehe", mahinang sigaw ko habang dahan dahan kong binubuksan ang maliit na bag...
eto na!!!
.
.
...may nakikita na akong parang kumikislap...
.
.
.
.
.eto na!!!
.
.
.
.
eto na!!!
.
.
.
.
TOK! TOK!
"Ay tokwa!" muntik na ako mapatalon sa kinauupuan ko sa sobrang gulat... "S-sino po yan" mahinahong tanong ko...
"Mam, pinapatawag na po kayo sa baba.. kakain na po" sabi ng boses ng isang babae na naisipan kong isa sa mga katulong..."Sige po, susunod na po ako" sagot ko na lang. bumalik ang tingin ko sa bag huminga na ako ng malalim...
iniligay ko na lang ito sa loob ng aking drawer..."bahala na si batman!!" sabi ko sabay lumabas na ako ng aking kwarto pag katapos ko ayusin ang aking sarili..
.
.
.
.
sa hindi kalayuan...
may isang anino na nagmamasid....
Nag aabang
TO BE CONTINUE....... :)