Allison's POV
Papasok na ako ng school. Habang papasok ako ng school syempre as usual para akong invisible. Hindi kasi ako famous,or should i say isa akong nerd. Nagiging famous lang ako kapag may nakakahiyang nangyari sa akin.
Tulad ng nadapa ako sa hallway dahil may nag patid sa akin, ang dami ko panamang dalang libro,at madami ding tao... Syempre pinagtatawanan ako. Kaya ung libro ko tuloy nagsitalsikan, kasi nga nadapa ako, so pinulot ko nalang. I don't care kung lagi akong napapahiya.
Pumasok akong school para magaral hindi para mangaway at maghiganti sa mga nangbubully sa akin.
Nasa Room na ako. Wala akong friend dito,halata naman diba?. pero sa cavite meron dahil sa cavite kami dati nakatira noong nkp-grade 6.
Noong highschool na ako lumipat na kami ng manila, dahil sabi ni mama mas maganda ang school at mas magaling magturo ang teacher sa manila.
Tsaka titira daw kami kayla lola ko dahil para sumaya sya. Kamamatay lang kasi ni lolo eh,noong pagkatapos kong gumraduate,1 month ago namatay si lolo.
Ngayon second year highschool na ako. Kaya namatay si lolo Inatake sya sa puso. buti nalang nandun kami kayla lola nung inatake sa puso si lolo,kaya nadala namin kaagad si lolo sa hospital,pero namatay din eh. Nakakaiyak nga eh sabi kasi ni lolo sa akin"darating ang taong para sa iyo maghintay ka lang".
Si lolo kasi ay isang manghuhula,ang gara 'no lalaking manghuhula. Pero sino kaya ung lalaking un,2years na ang nakalipas pero wala parin ang lalaking para daw sa akin. Siguro nasabi lang ni lolo un para hindi na ako umiyak at malungkot. Lolo's girl kasi ako eh.
Dumating na si mam felicity,teacher namin sa english. Tuwing monday lang ung flag ceremony. "Good morning class!"si mam felicity. "Good morning mam felicity!"masayang bati namin. Kinuha ni mam felicity ang english book at binuklat.
"Ok class open your books
On page 114" si mam felicity at nagdiscuss sya ng nagdiscuss. Hindi sa pagmamayabang pero ang dali ng english lahat naman ng subjects madali eh.Pero pinaka madali ang english. Si mam honoka ang teacher namin at sya rin ang adviser namin. Half japanese sya. Haruka Miki Sandoval Honoka ang pangalan nya,oh bongga alam ko ang full name. Ang ganda kasi nya. Teacher namin sa values,math,journalism,at mapeh.
........
Ngayon ay journalism."Ohayo gozaimasu!(Good morning!)"masayang bati ni mam honoka. "Ohayo gozaimasu mam honoka!"masayang bati namin"Class may new classmate kayo, kanina kasi hindi sya napakilala ni mam felicity"si mam honoka.
Baka sabihin ni mam nalate,mukha naman kasing walang pakialam sa Mundo. Katabi kasi sya ni mam honoka. Buti nalang mabait si mam honoka.
Ang dami ngang nagkakacrush dyan,professors and students ay nagkakacrush kay mam, single si mam eh tsaka sabi ko nga,maganda sya.
"Class sya si keith jasper san jose"sabi ni mam honoka. "Ok pogi ano bang gusto mong itawag namin sayo?,keith ba, jasper,or keith jasper?"si mam honoka.
"jasper"si jasper.
"Ok.. You may sit jasper..."si mam honoka. Nakatingin lang si jasper sa kanya. Un bang sinasabi nyang"saan?".
(-_-)--> jasper
"Oh... Sa tabi ni ms. Bautista"si mam honoka. Oo nga pala ako ung 'Ms. Bautista', ako si Jailley Allison Bautista. Oh my gosh, katabi ko ung mokong na un?. shocks,kaya pala may isang upuan sa tabi ko. Nasa may likod kasi ako pero napapakinggan at nakikita ko naman ung teacher.
Wala kasi akong katabi,meron,pero sa kaliwa wala. Ung katabi ko sa kanan si daisy,ung mean girl. Bati\Naguusap lang kami nan kapag kokopya sya sa akin ng assignments at kahit saan. Sya nga ang nagrequest(daisy) kay mam na gusto nya akong makatabi.
Kahit pa exam, kaya ang taas ng grades nya eh. Umupo na si mokong sa tabi ko.
"hi im daisy"sabi ni daisy kay jasper at inabot ang kamay nya. Bongga,nasa gitna nila ako.Tinignan lang ni jasper si daisy pagkatapos ung kamay ni daisy na nakaabot sa kanya. Nagpakilaka nga si daisy diba. Tapos omg tumingin sa akin si mokong at...
"Im Jasper... And you?"si mokong nagpakilala sa akin. Binawi ni daisy
Ang kamay nya na nakaabot.(OoO)--> daisy
(O_O)--> me
Nanlaki ang mata ko at tinuro ang sarili. "oo ikaw"sabi ni mokong sa akin.
"J-jailley Allison Bautista"sabi ko. Anubayan nauutal pa ako."p-pero you can call me allison". Banaman kasi nagulat ako kasi tinanong nya ako.
"Ok"sabi nya. "and you"sabi nya kay daisy. "daisy.. right"sabi ni jasper.
"yeah"sabi ni daisy at naka ngiti. Pinansin sya ni jasper eh.
"you look one of the mean girls... Look your outfit. Yung hita mo nakikita na. At tignan mo ang kapal ng make up mo. Mukha kang mataray"sabi ni jasper.
"how dare you!!!"sabi ni daisy. Nagagalit na sya.
"bakit? Sinasabi ko lang ung totoo"sabi ni jasper. "at ayokong makipag kaibigan sayo"dagdag pa nya.
"bakit sa tingin mo ba gusto kong makipagkaibigan sayo?"sabi ni daisy at napatayo
"hindi. Nagpapakilala ka lang naman sakin diba?"sabi ni jasper. Bongga nasa gitna nila ako. Tumingin ako kay mam.
Lahat pala sila nakatingin sa amin. Or kayla jasper at daisy lang.
"at ang mga karapat dapat kinakaibigan ay tulad ni allison... Nerd nga sya,oo nerd. Pero karapat dapat syang kaibiganin hindi ung binubully. Porket nerd ibubully nyo agad?"sabi ni jasper.
"hindi ko pa sya nakikitang binubully nyo pero halata naman na binubully nyo sya palagi"dag dag pa ni jasper.
Tumayo ako para umalis. Nasa gitna banaman nila ako. Hindi naman papatalo yan si daisy. Hindi nya hahayaan na matalo sya.
Pupunta na sana ako kay mam ng tumayo si jasper at hinatak ako...
Kaya yakap yakap nya ako.
(OoO)---> silang lahat
(>>____<<) ----> ako
(O_____O)----> si jasper
at si daisy naman nagagalit.
Lumayo kaagad ako. "s-sorry"sabi saakin ni jasper.
Tumakbo ako. Bakit ba ngayon nahihiya ako. Ang dami dami namang nangyari sa akin na nakakahiya. Pero bakit ngayon nahihiya ako?. Siguro dahil niyakap ako ng jasper na mokong na mayabang na yun.
Pumunta akong CR at nagkulong sa isang cubicle. Inalala ko ang lahat ng nangyari. At naisip ko paano ko haharapin ung mga kaklase ko,si mam honoka,at si jasper. Banaman si jasper hinatak ako. Ayun nayakap tuloy nya ako.
Bahala na si batman. Kung anong mangyayari yun na yun. Lumabas ako ng cubicle. At nag ugas ng kamay. Nag salamin din ako. Tinignan ko ang sarili ko. Nerd na nerd. Kung magayos kaya ako?. Ay wag na baka lalo nila akong ibully.
Nagsorry ako kay mam honoka dahil tumakbo ako. Tinakasan ko ang subject nya. Buti nalang mabait si mam honoka at pinatawad nya kaagad ako. Sabi ni mam honoka sa susunod daw wag akong basta basta tatakbo\magwawalk out dahil may klase pa.
Recess na pala. Pumunta akong cantene para bumili. "ate isang Vcut
At coca cola"yes kumakain ako nyan. Anong akala nyo sakin. Nerd lang ako 'no. Pero kumakain ako nyan. Lalo na kapag may problema. Actually hindi naman problema ung nangyari kanina. Iniisip ko lang na paano ko mahaharap ngayon si jasper. Magkatabi panaman kami.
Ay nakakainis. Bahala na talaga. 'Hoooooooh allison wag mo nang isipin yan. Bahala na kung anong mangyayari'............
YOU ARE READING
I Love The Nerd Named Allison
Novela JuvenilSi Athena na may gusto kay Jasper, Si jasper na gusto si Allison, Si allison na isang nerd, at si nico na bully na parang may gusto kay allison. Love triangle?.. ahh hindi pala.. love square?... may ganun ba?