1 of 1

160 4 1
                                    


Takbo lang. Hindi magawa ni Jeonghan na lumingon sa likod niya dahil alam niyang halos isang baranggay ang humahabol sa kanya.

"Hoy! 'Wag kang tumakas! Malandi ka! Harapin mo kong kabit ka!" Sigaw ni aling girl. Hindi ate girl kasi majonder na talaga si mumsh pero epek parin ang takbo. Buti na lang batak sa 10-20 at Chinese garter itong si Jeonghan kaya malakas din siyang tumakbo. Pero pagod na talaga siya. At kashokot din ang mga itak na dala ng mga alipores ni aling girl. 'Di madaan sa paliwanagan si aling girl na 'di siya nang-anaconda ng jowabella.

Single lang siya. Hindi siya kabit.



-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------



Mahilig si Jeonghan matulog. Mahilig din siya sa pogi. Pagod na si Jeonghan na maging single. Uhaw na uhaw na siya sa pag-ibig ng isang k'yang magdidilig sa kanyang tigang na lablayp.

Sabado nang gabi. Lumuwas si Jeonghan pa-Maynila para may kitaing boylet from Grinder. Kahit hindi niya alam ang pasikut-sikot, gumora pa din ang ate mong k'yah kasi talaga namang talagang talaga.

Ngunit bigo na naman si Jeonghan. Nakarating na siya sa lugar kung saan sila magkikita, nang biglang naging indiana jones ang dapat forever-story ni ate mong k'yah. May dala pa naman siyang chico mula pa sa Laguna. Kaya luhaan na naman ang asadong puso ng ate mong k'yah. Gusto niya na lang magpahinga -- as in tulog.

Dahil nga hindi alam ni Jeonghan ay tumawag na lamang siya ng taxi. "Sa pinakamalapit po na terminal pa-Balibago" sabi ni Jeonghan sa drayber, pupunas punas pa ng luha. "Manong, pwede pakigising na lang ako kasi pagod na talaga ako. Pagod na pagod na." Itinulog na lamang niya ang sakit na nadarama.

"399!? Manong nahiya naman yung piso ko sa'yo. Sabi ko sa pinakamalapit lang 'di ba?"

"Oo nga, Miss! Trapik talaga e. Ayan o metro na nagsabi." Sabi ng drayber na singkit at may majubis na pisngi. "Miss?? Manong, nakakalalaki ka na a! Dinaya n'yo ba ako habang natutulog ha??" Naiinis na si Jeonghan kasi ang mahal talaga e parang 5 minutes lang siya nakatulog. "Mis- AY, Bro, AY BASTA. May discount pa nga yan kasi maganda ka. Pasalamat ka pa nga may nasakyan ka pa sa oras na ito. Bilisan mo na! Last trip na ata yang pa-Balibago."

Nagpanic si Jeonghan dahil anong oras na nga naman. Nabuburyong nagbayad si Jeonghan sa singkit na drayber at dali-daling bumaba ng taxi. Lalo pang nadagdagan ang inis nito nang magpahabol ang drayber ng "Call me Soon!" habang humaharurot palayo ang taxi. Padabog na naglakad si Jeonghan at nagmadali nang makasakay dahil narinig niyang last trip na nga papuntang Balibago mula sa tinig ng kundoktor sa 'di kalayuan. Nahinto sa paglalakad nang matulin si Jeonghan nang makita niya ang may-ari ng boses na pinagmumulan ng mga salitang 'Balibago' at 'last trip'.

Slow motion. 'Yan ang naramdaman ni Jeonghan habang papalapit siya sa pintuan ng bus. Nawala lahat ng pagkainis n'ya sa araw na iyon. Malalaki at magagandang mga m̶u̶s̶c̶l̶e̶s̶ mata. Makisig. Mahahabang pilik-mata. Kissable lips. Pang 'good morning' at 'goodnight' na boses. Mga hitang pasado na para sa unan na magsisilbing kanlungan tuwing malamig ang gabi. Nabihag na ang puso ni Jeonghan sa gabing iyon. Siya na ata ang pinakaswerteng malas sa balat ng Pilipinas.


'Di kita malimutan 

Sa mga gabing nagdaan Ikaw ang pangarap'


"Balibago? Angeles?" tanong sa kanya ng kundoktor. 'Di man naintindihan masyado ni Jeonghan ay sumagot na agad siya ng "Yesh po." Mabagal na pagtango ni Jeonghan habang hinahawi ang kanyang buhok palikod ng tenga. Inalalayan siya ng gwapong kundoktor paakyat. Sweet.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 25, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pusong LigawWhere stories live. Discover now