KUNWARI

12 0 0
                                    


Kunwari'y mahal mo'ko,

Kunwari'y masaya tayo,

Kunwari'y nagmamahalan tayo,

Pero  ang totoo at ako nalang ang lumalaban sa relasyong ito,

Kunwari'y kontento ka,

Kunwari'y masaya ka,

Kahit ang totoo at may Iba kana,

Nakakapagod din palang magkunwaring masaya ako,

Nakakapagod din palang maghintay
Sa pagbabalik mo,

Nakakapagod din palang isipin na kunwari Ako Lang ang minamahal mo,

Kunwaring ngiti ko,

Nag pilit tinatakpan ng lungkot say Mata ko,

Kunwaring tawa ko,

Nag ang totoo ay may luha na palang nagbabadyang tumulo,

mahal? pwede bang tama na?

pwede bang magpahinga muna?

pwede bang maging masaya na walang nagbabadyang luha?

matagal ko nang kinikimkim,

ang mga luha at pighati na dulot mo sa akin,

gusto kong limutin ka,

pero paano?

kung may nakikita akong motibo na sinasabing 'Wag Kang Susuko',

napakahirap magkunwari,

napakahirap ang lihim na humikbi,

pero ang tanging nakikita mo lang ang aking pekeng pagngiti

mahal? tama na pwede ba?

at ngayon,

lalayo ako dahil sumusuko na ako,

lalayo ako dahil kailangan kong ilabas ang sakit na nadarama ko,

dahil napakasakit isiping ako lang ang lumalaban,

habang ikaw?

wala na, iniwan na ako ng tuluyan

kaya mahal ko, papalayain kita pero,

pag makalimot ako,

pangako,

babalik ako at ipapamukha sayo,

'AKO PALA ANG SINAYANG MO'

"Tula, Para sa Minamahal ko"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon