10:change the plan

692 17 0
                                    

Nadia's pov

Nandito na ko sa school, pagpasok ko pa lang ng gate naririnig ko nanaman ang mga bulong bulungan sakin. Sanay na ko kaya di ko na lang sila pinakikinggan.

"Ayan na sya"

"Ang ganda talaga nya"

"Bagay sila ni ace"

Yung huling sabi ng babae, napatigil ako. At tinignan sya. Alam kong sya ang nagsabin nun. Kaya nilapitan ko sya at nag cross arm patagilid, at tinignan siya mula ulo hanggang paa.

"Anong sinabi mo? " mataray kong tanong. Hangal ka para magsalita ng ganun.

"P-o? " nanginginig pa ang boses nya. Tsk! Small thing.

Kaya inalisan ko sya at nirampahan ng lakad. Di ko kailangan sirain ang araw ko sa panget nyang muka.

"Lindse" mahinahon na tumawag sakin muka sa likod.

Lumingon ako, familiar ang boses nya e.

"Kamusta kana?" Bati ni Kurt. Oo sya nanaman ulit. Bakit ba sya dikit na dikit sakin.

"I'm okay" tipid kong sagot. Hindi ako tumitingin sa kanya habang naglalakad, kumdi diretso lang.

"That's good" sabi nito. At ala kong ngumiti sya, kahit hindi ako nakatingin sa kanya.

"I'll go, dito na room ko" pagsabi ko nun. Inalisan ko na agad sya, may sasabihin pa Sana sya kaso hindi na nya na itinuloy ng alisan ko sya bigla. Wala kong time sa kanya.

"Be!" Salubong sakin ni Darren pagpasok ko sa room, nauna sya sakin ngayon. Andami kasing bakit ang pumapasok sa isip ko kaninag umaga. 2hrs lang ang tulog ko dahil hindi ako pinatulog ni ace, bwiset!
"San ka pa direksyong dumaan? "

Inaasar nya nanaman ako. Kagabi pa sya a? Nakakarami na sya.

"Dumiretso ako, hindi ako kumaliwa, kase alam kong mali" sabi ko. At hindi tumitingin sa kanya. Pagpasok ko ng room umupo agad ako, at itinaas ang paa. Atsaka kinuha ang cp ko, at dun tumutok ang buong nasa isip ko.

"Ano? Bakit seseryosohin mo na ba agad? " pangaasar nya, at ngumiti ng nakakaloko. Tsk! Seryoso ko.

Anlakas talaga nya mangasar kahit kailan.

"PWEDE BA DARREN! TUMIGIL KA NA! " napalakas ang sigaw ko. Nagtitimpi ako sa galit, hindi si Darren ang dahilan. Ewan ko ba kung ano ba talaga dahilan.

Kurt's pov

"PWEDE BA DARREN! TUMIGIL KA NA! " rinig na rinig ko ang nanggigigil nyang boses. Baket ganun na sya kung umasta? Parang sikat na walang pakealam. Di sya ganyan noon, actually dati ko pa sya nakikita pero di ko sya pinapansin dahilan na parehas kaming sikat. Masayahin sya, nung unang kilala ko nga sa kanya ang kulit kulit nya, at ang cute kung titigan. Pero ngayon bakit lagi na lang syang beatmode? Or badtrip? Dahil ba yun sa tiyan nya? Dahil buntis sya? Iba iba ang mood nya?

The Girl Who Wanted To Marry Me (editing) Where stories live. Discover now