63: his feelings

420 9 1
                                    

Nadia's pov

Pumunta akong kwarto dahil naalala ko pala yung dress na regalo sakin ni criselda, pero bigla na lang nahagip ng Mata ko yung Kama namin ni Paul, yung wallet nya nakalimutan nya, bibili kasi sya ng gatas nung bata pero pano sya makakabili kung nakalimutan nya yung wallet nya?

Kinuha ko agad yun, pero nagpalit muna ako ng damit para lumabas. Hahabulin ko si Paul dahil alam ko rin naman yung market na binibilhan nya ng grocery's.

Pero iba ang bumungad sakin, si Paul na duguan nung pumunta ako ng linya ng mga puro milk na pang 3yrs old.

Nakita ko syang dumudugo ang labi, naisip ko na baka nakasalubong nanaman nya yung sumuntok sa kanya nuon. Tumakbo ako at agad ko syang itinayo.

"Paul! " lapit ko. "Ano ba yang ginagawa mo sa sarili mo ha?! Sinabi ko bang paduguin mo yang labi mo! " inis ko. At pagtingin ko dun sa lalaking sumuntok sa kanya, parang nagslow yung pagtingin ko sa kanya dahil saktong nakatingin din sya sakin. Nanghina ako, nanghina ako bigla dahil nakita ko nanaman yung Mata nyang tinatawag ako.

"Nadia? " takang sabi ni Adele, kaya napatingin ako sa kanya at muling ibinaling ang tingin Kay ace.

Sorry sa sasabihin ko pero sumobra ka na para saktan si Paul.

"Anong problema mo? " mataray na simula ko. Gusto ko mismong sa harap ko matapos ang gulo na to para sa kanilang dalawa.

Nakakapagtaka dahil sa dinami dami ng makakabunggo nya ay si ace pa?

Tumingin ako sa mga Mata nya, nakita Kong may tumulong luha kaya bigla akong naawa sa kanya lalo Nat pumasok sa isip ko yung epekto Kay ace nung umalis kami.

"Sumagot ka! " sigaw ko. Pero gulat ko na lang ng yakapin nya agad ako. Mahigpit, mahigpit na mahigpit ang pagkakayakap nya at parang may pinapahiwatig.

"A-ace.. " di ko alam pero tumigil yung mundo ko, pati paligid ko at feeling ko kami lang ang Tao sa market.

"Nadia I really miss you" ewan ko pero para akong naestatwa.

"Bitawan mo ko! " kalas ko. Mali to, nasa harap kami ni Paul at alam Kong nasasaktan sya. "Ace tapos na, tama na! " sigaw ko at tumalikod na, hihilahin ko na si Paul pero nagsalita nanaman si ace.

"Hindi mo na ba talaga ako mahal? " ace kung alam mo lang, bigyan mo lang ako ng isa pang araw para makapaghanda sa muli nating pagkikita.

"Di pa ba malinaw sayo lahat? Tapos na, meron pa ba dapat? " harap ko sa kanya at sinabi yun. Nasasaktan akong sabihin yun pero ayoko rin namang saktan si Paul.

"Hindi pa. " naging seryoso yung muka nya pero umiiyak pa din sya. Please wag kang umiyak, nahihirapan ako kapag umiiyak ka. "Kase may karapatan pa din ako sa kambal. Kahit sila lang nadia wag mong ipagdamot" nakikita ko sa mga Mata nya ang pagkasabik sa anak namin.

The Girl Who Wanted To Marry Me (editing) Where stories live. Discover now