67: My work

462 11 0
                                    

"Mali to mrs.espino!" Sigaw nya muli sakin, isang linggo na ko nagtratrabaho dito at lagi na lang nya ko sinisigawan, malapit na nga ako masanay sa kanya.

Ewan ko kung ako lang ba ang sinisigawa nya o lahat kami dito? E ang bait naman nya sa iba. Hanggang ngayon talaga abnormal pa din sya.

"Ang problema kase sayo, pasa ka agad ng pasa sakin di mo pa nga nasisigurado na tama to! "

"E sir tama naman po talaga yan e hindi ko nga alam kung San Jan yung Mali" protesta ko. E wala naman kasing Mali dun ewan ko kung meron syang nakikita na hindi ko nakikita.

"Yung sulat! palitan mo yan at ulitin mo sa computer! " anoo? E ang kapal kapal nyan tapos uulitin ko? Hindi na nga ako natutulog matapos lang yang makapal na papel na yan!

"Po?! "

"May problema? " napatungo na lang ako. Nihindi ko na nga nakakabonding yung mga anak ko tapos gagawin ko nanaman to? Magaapat na taon na ang anak ko at next year magaaral na sila, pero kami? Ganto pa din.

Nihindi nga natuloy ang annulment dahil wala kaming Laban sa pamilyang espino, at mababang dahilan ang napasa Kong kaso kaya hindi daw maaari.

Nakakalungkot o nakakatuwa?

"Wala po, alis na po ako sir.ace" nakatungo pa din ako at lumabas na ng kwarto habang bitbit bitbit ko ang makapal na papel.

Halos wala na Kong Kain at tulog magawa lang to? Isang linggo nga lang ang binigay nya e tapos ang lakas nya pang ipaulit.

"Stop" natigilan ako, hawak ko na Sana yung door nub para lumabas kaso nagsalita sya. "Isang araw lang yan dahil nagkamali ka"

"Po! Hindi na po pwede yun, e napaka liit na bagay lang naman ang pagkakamali ko e! " hindi na ko makakapayag, halos wala na Kong oras sa anak ko matapos lang to tapos papaulitin nya pa sa isang araw lang?!

"Tama ka napaka liit na bagay, pero nagkamali ka pa rin" biglang naging seryoso ang muka nya. At bigla rin akong natigilan dahil parang may pinanghuhugutan sya sa sinasabi nya.

Nakaramdam tuloy ako ng kunsensya dahil sa ginawa ko noon, kaso mag aapat na taon na ang nakalipas, tama na.

"Sir, ang hirap kase e.. Halos di ko na makasama ang mga anak ko dito matapos lang to, tapos papaulitin nyo sa isang araw lang? " naiiyak nako sa tunog ng boses ko. Natahimik sya bigla at huminga ng malalim.

"Okay fine, wag mo ng ulitin" nabingi ako ha?  Ano daw uli yun? Tama ba narinig ko? For the first time.

"Ha? "

"Gusto mo bang ulitin o hindi?" Pagtataray nanaman nya. Napaka sungit nya talaga, ewan ko pero parang ibang Tao na ang kaharap ko.

Mabilis akong lumapit sa desk nya at nilapag yung makapal na papel.

Tumalikod na ko para umalis dahil baka magbago pa ang isip nya, kaso bigla nanaman syang nagsalita kinabahan tuloy ako dahil baka binawi na nya ang sinabi nya.

"But, sasamahan mo ko sa tagaytay na ipasa yan" anoo? Bakit? Bakit ako pa? E may secretary naman sya?

"Po? E anjan naman po yung secretary nyo" harap ko.

"May leave sya ng 1week, kaya ikaw muna magiging secretary ko. " ano daw? Kanina sasamahan ko sya, ngayon secretary naman nya? Duh! Nakakawindang talaga mga pinagsasabi nya.

"Nagbibiro po ba kayo? " ngisi ko, baka naman diba?

"Muka ba? " bwiset! Baliw na talaga sya, sa dinami dami nyang tauhan ako pa nakita nya. "Mamili ka, uulitin mo yan or sasamahan mo ko para maging secretary kita? "

Wala na Kong choice, dahil sasamahan ko lang naman sya at hindi ako maghihirap tulad nung mga papers, bwiset sarap punitin!

"Sasamahan na kita sir ace" tungo ko. Parang kabayo yung puso ko sa bilis ng tibok.

"Kung gusto mo, isama mo ang anak mo para maka bonding na kayo"

"Talaga po?! " bigla tuloy akong nabuhayan, sa wakas parang may leave na rin kami ng anak ko.

Wala na rin sakin malisya ang lahat at wala na rin akong iniisip na konektado sa kanya dahil sa loob ng isang linggo ko syang kasama, tinuring na namin ang isat isa na ibang Tao.

"Don't worry akong bahala sa inyo sa lahat, 1week lang naman tayo duon" isang linggo? E isang linggo na lang uuwi na rin si Paul? Baka paguwi nun madatnan kaming wala sa bahay, ano na lang ang iisipin nya?

"E sir ace anong oras po tayo makakauwi nun? Sa tingin nyo? " napangisi na lang sya sa sinabi ko, may nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Di pa nga tayo nakakaalis uwi agad? You're crazy" natatawa nyang sabi. Minsan ko na lang syang makitang ganyan butinakapagtanong ako sa kanya na ikakasaya nya.

"Sige po, alis na po ako" sabi ko at lumabas na sa loob ng kwartong iyon.

Excited na Kong umuwi para yakapin ang anak ko at paghandaan ang nalalapit nilang birthday next month.

The Girl Who Wanted To Marry Me (editing) Where stories live. Discover now