Chapter Three (Once upon a time, I met a stranger….)
“Ate! Ate! Gising na!”
“Ano ba yon? Kita mong natutulog yung tao eh. Epal ka talaga.” Eh sa inaantok pa ako eh! Di kasi ako natulog gabi dahil sa excited at saka sinadya ko talaga iyon kasi baka pag natulog ako at paggising ko, panaginip lang pala ang lahat. Sayang ang excitement >w<
“Bahala ka diyan. Maiwan ka at bumalik ka mag-isa mo sa Pilipinas.”
OMG WHAT. Agad-agad kong tinanggal yung blindfold ko. Tinignan ko yung mga tao, lahat sila ay nakatayo na at kinukuha ang kani-kanilang mga bagahe. Mga ilang segundo lang, na-realize ko na nandito na pala kami sa South Korea. NANDITO NA KAMI SA SOUTH KOREA!? SERIOUSLY!!? OMG!
Tumayo ako agad at kinuha ang bagahe ko sa taas.
“Aww!” Ang sakit! Naputol yata yung mga daliri ko. Nakalimutan ko nga palang mabigat ‘to.
“Oww~ Ako na diyan, Princess.” Kinuha ni Dad yung luggage sa kamay ko at binababa na.
“Thanks, Dad. You’re my savior.”
“Sus, drama mo na naman. Masyado kasing excited eh.” Inirapan ko na lang ang bruha kong kapatid. Forever epal tlga eh.
Lumabas at bumaba na kami mula sa loob ng airplaine. Pagbaba ko, nag-pause muna ako. *inhale* Ganito pala ang amoy ng hangin ng Seoul. Ganito pala ang hangin na hinihingahan ng mga idol ko. Pareho na kami ng hangin na hinihingahan ni Min Yeon my loves! OMG! *exhale* *boogsh*
“Aray ah!” Natulak lang naman po ako at fortunately, na-balance ko ang sarili ko kaya di ako tuluyang nahulog sa lupa.
“Ay sorry ha! Kasalanan ko ba kung tatanga-tanga ang magaling kong ate? May paamoy-amoy pa kasing nalalaman eh. Sus, eh may halo kayang usok na galing sa engine ng eroplano yang hanging feel na feel mo! Eww!”
“Eh pake mo ba? Dapat ang pangalan mo, Epalsia at hindi Gresia eh! Buset!” Opo, ang napakabait at napaka-mapagmahal kong kapatid ang tumulak sakin sa harap ng maraming tao. Ang sweet noh?
Naglakad na kami papunta dun sa entrance ng Incheon Airport.
“Welcome to Incheon! Wow.” Nakaka-touch naman yung banner na nakalagay sa taas ng entrance door. Nakakadagdag gana talagang bumisita pag ganyan.
At ito na nga, nakapasok na kami sa loob ng Incheon Airport. Alam niyo ba yung feeling na parang kailan lang inu-update ko sa facebook yung arrival ng 6-IP dito galing Japan, yung feeling na parang kailan lang sa picture ko nakikita ‘to pero ngayon naaa pakan ko na siya at yung feeling na yung inaapakan ko ngayon ay naapakan na din ng mga favorite artists ko. >w<
“Bakit nagkakagulo doon? Ang daming tao.” tanong ni Mommy.
“Baka may artista lang, hon.” sagot naman ni Daddy habang naghahanap ng lugar kung saan kami pwedeng dumaan.
May artista daw? Bigla akong na-curious kaya tinignan ko yung mga taong nagkukumpulan sa may di kalayuan. Yung iba may mga hawak na banner pero in hangul kaya di ko maintindihan. Oo, kpop fan ako pero di ako marunong magbasa ng mga hangul except yung hangul name ng mga favorite artists ko. Huhu~ But bitsplis, di naman iyon hadlang noh! Hindi naman porket di marunong magsulat o magbasa o di nakakaintindi ng korean eh, hindi na kpop fan. Bakit, may ilan nga diyan nakakapagsulat at nakakapagbasa nga ng hangul, pero naiintindihan ba nila yon? =)))))
Pero maiba tayo, wait. Parang familiar sakin yung ilang babaeng may hawak na camera. OMG. Mga Soshi fansite noonas! Kilala ko kasi sa mukha yung isang photographer ng yulsic-royal.com, taga-subaybay kasi ako sa mga shots nila kasi shipper ako ng YulSic eh. Hehe~ ♥ At saka kasi yung isang ding photographer, may oh-taeny.com watermark dun sa DSLR niya kaya na-sense ko na. Biglang nagsitilian ang lahat ng mga tao. Tinignan ko yung area na may mga guards na nagbabantay. AT AYON! OMG! QWERTYUIOPASDFGHJKLZXCVBNM@#$%&! Natanaw ko ang mga girls ko! Si Jessica at Yuri, magka-akbayan! Shet! Nice timing talaga oh!
![](https://img.wattpad.com/cover/16304238-288-k982722.jpg)
BINABASA MO ANG
(Ongoing) OMG! I'm In A Relationship With My Bias!?
Teen FictionWhat if yung taong napapanood mo lang dati sa internet eh nakakasalamuha mo na ngayon in person? What if nalaman mo ang totoong ugali ng niya, magiging fan ka parin ba? What if yung taong iniidolo mo lang dati, eh boyfriend mo na ngayon? What if mal...