Chapter One (Meet Francesca inside and outside the fangirl world)

58 1 0
                                    

Chapter One (Meet Francesca inside and outside the fangirl world)

"Hoy Bestie! Bakit ka ngumingiti-ngiti diyan mag-isa? Para kang tanga. Baliw ka na ba? *pok*” Nakakagulat naman tong si Candy. Bigla ba naman akong batukan. Grabe, naturingan pa namang bestfriend ko. Hahaha! Pero that was not a big deal for me baka akalain niyo. Ganyan lang talaga kami magmahalan….. nagsasakitan. Hahaha!

“Ang sakit nun ha! Wala! May naisip lang ako bigla.”

“Wala pero may naisip bigla tsk. Ano ba yang ginagawa mo ha? Patingin nga!” Inagaw niya yung notebook na pinagsusulatan ko kanina. “"Ang pag-ibig ay walang pinipiling panahon, dahil kusa mo itong mararamdaman. Wala rin itong pinipiling tao, mayaman man o mahirap, maganda man o panget. Sa pag-ibig, lahat ay pantay-pantay"? Antaray! Gumaganun? Saan mo nakuha tong quotes na to, Bestie? Sa google noh? Sus! Daming alam! Drama mo!"

“Hindi no! Naisip ko nga lang bigla. Kasi si Min-”

“Si Min Yeon your loves na naman tsk. Ang dami mong talagang alam!” saka niya hinagis pabalik sakin yung diary ko.

“Alam mo, hindi ko alam kung paano ko natiis yang ugaling mong ganyan. Bestfriend ba talaga kita?” sarcastic kong sabi pero syempre joke lang yon.

“Ahehe. Sorry na. Labyu!” biglang nag-sorry ang loka. Niyakap pa ako nang pagkahigpit-higpit.

“Hoy, hoy wait! Tigilan mo ako! Nagtatampo ako sayo. Bakit hindi mo sinabing may boyfriend ka na?” 

“Ha? Ako, may boyfriend? Haha! Sino naman nagsabi niyan sayo?”

“Wala. Narinig ko lang yung mga babaeng nagtsi-tsismisan kanina nung papasok ako ng cr.

Bigla nga silang nagulat nung nakita nila ako. Siguro natauhan at naalalang kaibigan mo nga

pala ako.”

“Hey girls.” kumunot yung noo ko. Kilala ko na kasi kung kaninong boses yun.

“Tara na, Bestie. Uwi na tayo. May masamang hangin na dumating.” yaya ko kay Candy saka ko siya hinila palayo.

“Wait lang Ces!” habol niya.

Pero di ko siya pinansin. Mas lalo kong binilisan ang lakad ko. Nabubwiset talaga ako lagi everytime na naririnig ko boses niya or nakikita pagmumukha niya tapos ang laki pang pampam. Naiirita ako!

“Hoy Bestie. Wait nga lang! Nakakaladkad mo na ako oh!” Ay sorry naman. Ngayon ko lang naalala.

Nag-stop na ako sa paglalakad ng mabilis at binitawan na yung wrist ni Candy.

“Sorry ha kasi naman eh nakakainis!” bulaslas ko. Kasi nakakainis naman talaga. Good mood na good mood ako kanina tapos biglang sinira nang mokong na yon.

“It seems like you are not totally moving on yet.”

Di pa ako totally naka-move on talaga? I think so.

Honestly, may mga bagay sa past ko na di pa talaga nawawala sa isip at puso ko kasi sobrang laki nang scar na iniwan sakin eh. Kahit ang tagal nang tapos.

Raffy is my ex-boyfriend, the one who irritated me a while ago. He was the first one who tore my heart into pieces.

He’s a jerk. He’s a playboy that was why I broke up with him.

MALANDI SIYA. SOBRA!

Nung una, alam ko naman talaga na playboy siya at may nasasagap na akong mga tsismis nun na tina-time niya ako. Inamin niya sakin yun at first but I still gave him a second chance kasi masyado ko siyang mahal nun. Pero dumating sa puntong nakita ko siyang may kahalikang babae and guess what….. BESTFRIEND KO PA YUNG KAHALIKAN NIYA.

(Ongoing) OMG! I'm In A Relationship With My Bias!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon