OMG! I’m In A Relationship With My Bias!?
by gemmazing
Copyright © 2014 by Gemma San Buenaventura
Stealing and plagiarism are crimes so, alam na this okay? :)
[A/N: This is dedicated to my fellow fangirls & le fanboys. =))))) Don’t dare to read my story kung di ka naman kpop fan kasi di ka talaga makaka-relate. Hahaha! Pero kung mapilit ka, ok lang naman. No problem!]
Introduction
"Ang pag-ibig ay walang pinipiling panahon, dahil kusa mo itong mararamdaman. Wala rin itong pinipiling tao, mayaman man o mahirap, maganda man o panget. Sa pag-ibig, lahat ay pantay-pantay."
Diyan ko binabase sa mga kasabihan na yan ang mga pangarap ko.
Inlove kasi ako sa isang taong alam kong di ko kaagad maaabot at super layong mangyari na magkatuluyan kami dahil,
nasa langit siya, samantalang ako nasa lupa.
Pacific ocean ang layo namin sa isa't isa.
And in fact, he doesn't know that I actually exist.
He’s a famous international artist, a korean artist to be exact.
Hindi ko pa siya nakikita in person kaya hanggang social networking sites lang ang pag-spazz ko sa kanya and sometimes naman sa mga events din.
I want to see him in person so badly :(
Gusto kong marinig yung malumanay niyang boses in person.
Gusto kong makita siyang sumayaw in person.
Kahit sa malayuan lang, ok na ako doon. Basta makita ko siya sa personal.
Kung mabibigyan din naman ako ng pagkakataon, gusto kong mahawakan ang malalambot niyang kamay.
Gusto kong mayakap siya ng sobrang higpit at sabihin ang mga katagang "Saranghaeyo" sa pagmumukha niya para damang-dama niya.
They say, I'm just obsessed but actually I'M NOT.
I think, I really fell in love with him.
Dahil ako ang may hawak sa puso ko, alam kong hindi obsession itong nararamdaman ko sa kanya kundi totoong pag-ibig.
For sure yung mga fans niya ganito din nararamdaman pero I can confidently say na mas angat itong pag-ibig ko sa kanya kaysa sa iba.
Feeling ko nga, siya na ang right one eh! (Sige ako na assumera.)
Nag-promise ako sa sarili ko nung nagsimula ang pag-ibig ko sa kanya na walang sinong lalaki man ang makakaagaw sa puwesto niya sa puso ko.
Nag-promise din ako na siya ang magiging first at last kiss ko! (Eyy. Landi!)
Di parin tlga ako nawawalan ng pag-asa kahit 99% impossible na magkatuluyan ang isang sikat na katulad niya sa isang hamak na fan lang at ordinaryong taong katulad ko.
Maghihintay ako kahit gaano katagal.
Kapag nagka-asawa na siya, saka na lang ako titigil sa paghintay sa kanya.
Hinding-hindi ako magsisisi kahit lumaki akong matandang dalaga, at least worth it naman at magiging proud ako sa sarili ko kasi nagawa kong maging loyal sa kanya sa ganung katagal.
Naniniwala din ako na with God, nothing is impossible.
Kaya pray lang dapat nang pray!
At wala namang masama kung mangangarap ka diba? WALANG MASAMA.
BINABASA MO ANG
(Ongoing) OMG! I'm In A Relationship With My Bias!?
Genç KurguWhat if yung taong napapanood mo lang dati sa internet eh nakakasalamuha mo na ngayon in person? What if nalaman mo ang totoong ugali ng niya, magiging fan ka parin ba? What if yung taong iniidolo mo lang dati, eh boyfriend mo na ngayon? What if mal...