Should I Let You Go?

524 16 13
  • Dedicated kay Jake Lawrence Castillo
                                    

"Mahal kita..."

May mga tao na kahit hindi mo kayang kalimutan, kailangan mong pakawalan. 

I set my thoughts forth in a serene manner. Hindi ko kasi gustong maging overemotional sa harap ng isang tao... lalo na sa kanya. Pero lahat ng nararamdaman ko, sinabi ko na. Akala ko nakakagaan iyon ng loob pero hindi rin pala. Nang makita ko ang reaction niya, gusto ko siyang yakapin at sabihin na hindi iyon totoo. For goodness' sake, pinigilan ko dahil iyon ang tama. Nagpaalam na ako sa kanya bago ko pa hindi mapigilan lahat ng naisip ko. Bawat hakbang palayo, parang isang milya ang layo--- na sa sobrang layo, pakiramdam ko hindi na ako makakabalik pa sa kanya.

===== 

  

Third year, first day. Akala ko isang ordinaryong araw lang iyon pero hindi pala. Iyon ang araw na una ko siyang nakita. Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin ng mga kaibigan ko, nakita ko siya. Dahil bagong mukha sa amin, lutang siya sa lahat ng mga babae kong kaklase. Hindi ko siya kilala kasi hindi namin siya kaklase noong second year high school. Nalaman ko lang ang pangalan niya nang magpakilala na.

Amy Kathleen Soberino. Simple lang ang itsura niya sa unang tingin pero habang patagal nang patagal, gumaganda siya lalo sa paningin ko hindi lang sa pisikal na aspeto kundi sa marami pang dahilan. 

  

Wala akong lakas ng loob na lumapit sa ‘yo kaya nagsimula lang ako sa pasulyap-sulyap. Patingin-tingin mula sa malayo. Kapag lumilingon ka sa direksyon ko, mabilis akong iiwas. Ang lakas kasi ng epekto ng tingin mo sa akin.

Sa Araling Panlipunan nang maka-row ko siya. Hindi naman ako 'yung tipong madaldal kapag hindi ko pa close kaya hindi ko siya nakakausap. Ni hindi ko nga rin siya matignan kahit isang upuan lang ang layo niya sa akin. Tumitiklop talaga ako.

Hanggang isang araw, unang beses na nakausap ko siya noong shooting para sa isang TV series ng isang educational channel. Dalawa kasi kami sa background actors na kinuha. Ramdom questions lang kaso naputol agad iyon nang kailangan nang ipagpatuloy ang shooting. Nasundan iyon ng ilang pag-uusap sa classroom. Kahit walang kwenta, tinatanong ko sa kanya basta makausap lang siya.

Mas naging close kami dahil sa AP recitation. Madalas kaming nagpaparamihan ng masasagot. Kapag ako ang unang matatawag, aasarin ko siya at hahampasin niya naman ako. Nagalit pa nga ata 'yung nakapagitan sa aming dalawa kasi nadadamay siya ng hampas ni Amy. Nakipagpalit iyon sa akin ng upuan at nagkatabi na kami sa upuan. Ibig sabihin, mas napadalas na ang pag-uusap namin at doon ko siya mas nakilala pa nang maigi.

Alam mo bang nag-aaral talaga ako sa History para sa 'yo? Ikaw ang isa sa mga dahilan kung bakit mataas ang grade ko sa AP.

Madalas na siya ang unang natatawag at nakakasagot. Ako, napapatingin na lang--- galing na galing sa kanya. Beauty and brains siya kaya mas lalo akong nagkagusto sa kanya.

Hindi ka lang maganda, matalino ka pa.

Nagkaroon na ako ng lakas ng loob na hingin ang number niya at ibinigay niya naman iyon. Madalas na akong nagpapaload ng mga araw na iyon. Ako ang unang nagtetext sa kanya, patanung-tanong. Minsan tungkol sa assignment, project, kung kumain na ba siya, at magse-segue ng tungkol naman sa kanya. Doon kami naging magkaibigan. Nasa getting to know each other--- getting to know her stage pa lang kami nang biglang natapyasan ang puso ko. Nalaman ko na gustung-gusto niya pala 'yung isa kong kabarkada. Si Kevin.

Should I Let You Go? [ One Shot - Based on a true story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon