018

34 4 3
                                    


yongguk's narration (lower case texts)

nauna ako sa playground, nagaalala ako sa kanya. she seems sad kaya pumayag na ko kausapin siya kahit madaling araw na at in-game pa ko kanina, hays. san ka makakahanap ng bestfriend na tulad ko? tss. at habang kinakausap ko sarili ko, i saw her na.  she's walking towards me, whilst... crying.

"why?" unang word na nasabi ko pagkalapit niya sakin. at imbis na sagutin niya ako, lalo lang siyang humagulgol. and instead of asking her the same question, i hugged her and let her cry on my shoulders.

five minutes na ata siyang humahagulgol habang yakap ko, so i guess pwede na ko magsalita "ano nangyari?" napatigil siya kakaiyak nung nagsalita na ko, inalis na niya yung ulo niya sa shoulders ko. ew, puro uhog. dahil ayaw ko matawa habang nagkwekwento siya, hinatak ko yung dulo ng shirt ko at pinunas sa ilong niya. pinakalma ko muna siya galing sa iyak. and as soon as she stopped crying, umupo kami sa swings. napagod siguro katatayo.

"uhm gguk..." napatingin ako sa kanya, ang ganda talaga. ganda itapon. joke

"ano yung sasabihin mo?"

"ano kasi.. may kasalanan ako sayo...."  nakatingin lang ako sa kanya habang kinekwento niya lahat ng pinaggagawa niya hanggang ngayon na nareject siya. speechless ako actually pero uhm ano eh, mahal ko eh.. as a friend. napatingin siya sakin pagtapos niya magkwento, "sige na, magsalita kana gguk. alam ko namang sasabihin mong tanga ako, gaga ako sa mga ginawa ko. isang kahibangan yun, tanga ko talaga 'no?" sabi niya na naiiyak.

"oo, isang katangahan nga yung ginawa mo. maganda ka, mabait, matalino, pero bakit hinayaan mo yung sarili mo magsinungaling para lang mapansin ka? you should have confidence na magustuhan ka din ng taong gusto mo. katangahan talaga yun pero you know what? i still love you kahit ano man ang gawin mo."

"i love you too..." kumalabog dibdib ko at napatingin ako sa kanya. "...as a friend." ouch.

hacker // joo haknyeonWhere stories live. Discover now