DOS

7 0 0
                                    

Nagsuot ako ng mahabang wig para magmukha talaga akong nanggaling sa mundo ng fairy tales.

Pero ang suot ko, dilaw na gown na nanggaling pa sa baul ng mommy ko.
Pamana pa raw iyon sa kanya ng lola ko na ipinamana rin ng lola ng lola ko.
O, hindi ba,masyadong complicated?

"Why ba ganito ang drama mo?"tanong ni fonza na namaywang pa sa harap ko. "Pa'no ka magsasaya kung nakatago ang identity mo?"

"Pwede bang walang pakialamanan ng diskarte?" Pinamaywangan ko rin si fonza, ang bayot kung bestfriend.
Hindi nga lang ako makatingin nang matagal sa mukha nya dahil namdidiri ako sa suot niyang pangil na may bahid pa ng dugo.

He was wearing a black cape. Kunwari kasi ay si Dracula siya. Isang bampirang may berdeng dugo.

"Isipn mo na lang kung sino ang mga cute na bibiktimahin niyang pangil mo. Basta, ako si beauty."

"Walang maskara si beauty,"sabi niya. "Kaya bago nila malaman na si beauty ka, kailangan mo munang i explain sa kanila kung sinong character ang kinopya mo."

"Kahit pa." I raised my brow. "Basta, kailangang di ako ma recognize ng crush ko." I looked around.

Mukhang wala pa sa crowd ang lalaking tina target ko kong maging date nang gabing iyon. Dahil kung hindi magiging masaya ang ikatlong taon ko sa college.

By the way, twenty years old pa lang ako.
Mahilig akong mag aral, pero hindi ng mga lessons sa school kundi ng mga impormasyon tungkol sa crush kung si Vincent.

Vincent was one of the coolest guys in school. Hindi tipikal na maporma lang siya kundi matalino pa kaya consistent na dean's lister.

Saan kanaman nakakakita ng ganoong coño? He was also captain of the varsity swimming team.

Kaya ako nag disguise na iba nang gabing iyon ay dahil gusto kong mapansin niya ako. Kahit sa gabi lang na iyon.

Hindi kasi niya ako mapansin pansin kapag ako si bea, ang tipikal na "syota ng bayan." Syota ng bayan, kasi ang hilig ng mga lalaki na landiin ako.

Continue...

STORYA NI GOBYAWhere stories live. Discover now