Isa akong sa pinaka naughty na preschooler noong five years old palang ako.
Mukhang inosente kapag nakatingin ang teacher, pero mukhang anghel na may sungay kapag nakatalikod na siya. Hindi ko na matandaan kung ilang bata ang napaiyak ko noon. Basta marami sila.Came my college days. Feeling ko, noon nagsimula ang medyo seryosong parte ng buhay ko. Hindi naman kami mayaman. I just happened to have a mother who was a frustrated queen of england. Masyadong mataas ang ambisyon ng mommy ko. She wished to marry not just a prince but a king! Ang akala ng mommy ko, natupad na ang pangngarap niya nang makilala niya si manuel sygovia. Tunog pa lang daw ng apelyido, rich na parating naka-long sleeves and tie si manuel.
Ang pakilala niya sa mommy ko ay businessman. Kung kailan na head over heels in love na si mommy sa tatay kung mokong, saka pa niya nadiskubre na ang totoong apelyido ni daddy ay Gobya at isa lamang siyang ahente ng punerarya.
Frustrated na naman si mommy. Kaya umaasa siya na ako ang ahat ng mga ambisyon niya. Kailangan daw naming yumaman at mang yayari lang iyon kapag nakapag asawa ako ng mayaman.
At nangyari din lang daw ang huli kapag may nakilala akong anak mayaman. At mangyayari din daw iyon kapag nakipaghalubilo ako sa mayaman. So that explained why my mother, leonarda, enrolled me at st. Augustin university, ang eskuwelahan ng mayayaman. Nadukot ng mommy ko kahit ang kaisa isang pisong natira sa piggy bank niya para lang mapag aral ako roon.
"You must be cinderella," anang tinig ng isang lalaki sa likuran ko.
Napakislot ako. Pamilyar ang boses. Hindi ako puweding magkamali. Minsan ko yatang nai record ang boses ni vincent. Nagpractice kami ng sayaw noon sa campus. Pagkatapos, biglang dumating si vincent at ang mga kaibigan niya. Habang nagkakasayahan sila, pinindot ko yung sound recorder sa cellphone ko. Hayun, nahuli ko rin ang boses ng crush ko.Continue...

YOU ARE READING
STORYA NI GOBYA
Teen FictionUmasa ang mom ko na magiging beauty queen ang kaisa-isang anak niya ako iyon. Pero dahil hindi siya gaanong satisfied sa naging hitsura ko, pinangalanan nalang niya akong "Beautiful" para kahit sa pangnagalan ay sobra daw akong maganda tutal, punon...