HUGOT (8)

64 6 0
                                    

Love Hurtt's Pov

"Love Hurt 101"

"Wag kang makipaglaro sa tadhana o di kaya'y wag mong saluhin ang pana ni kupido. Dahil sinisigurado ko sayong magsisi ka sa huli."

@Mr_Love
•Paano ba yan tanga ako? Mas pinili kong makipaglaro at mapana ni kupido?

@LoveHurtt
•Masasaktan ka lang! Utak ang paganahin dahil lolokohin lang tayo ng mapanlinlang nating puso.

@Mr_Love
•Huli na ang lahat eh. Para na akong lumubog sa kumunoy ng pag-ibig. Habang lumalalim ang pagkalunod ko mas lalu akong nahuhulog sa babaeng mahal ko at patuloy kong minamahal.

@LoveHurtt
•Ang tanong mahal ka ba? Wag kang magpakasigurado. Kung ang mga mag-asawa ngang kinasal naghihiwalay kayo pa kaya!

@Mr_Love
•Hindi ako sigurado. Hindi kasi siya marunong magmahal eh. Pero tuturuan ko siya kung paano at kung gaano kasarap magmahal. Mas okay na akong minamahal siya ng palihim sa malayo.

@LoveHurtt
•Sino ka ba talaga? Ikaw ba yung nagbigay sakin ng flowers at chocolate? If ever na ikaw yun. Thank you nalang....

After that, hindi na ulit siya nagsabi ng kung anuman. What the hell? What's wrong with him?

May narinig akong kumakatok sa kwarto ko kaya binuksan ko muna.

"Good morning, Love!" Masiglang bati ni Xyrine. Hyper masyado?

"Good morning din, Xy!"

Nakiupo naman siya sa kama ko. Feel at home masyado? Hahaha ganiyan talaga ang mag besties.

"Wahhh Congrats nga pala sayo, Bessy!! Yiee ang galing mo. By the way kailan mapapublish yung book mo? Ako talaga unang bibili nun."

"Ahmm siguro yung first batch bukas na mailalabas pero unti palang siya. Sa mga susunod pang araw ang labas nung next batch."

"Pero alam mo girl kalat na kalat na sa social media yung mga palitan nyo ng sagot ni Mr. Love. Para nga kayong nagdidebate na dalawa eh. Marami nading nagugustuhan na ipagpares kayo."

Huwatt? Nagmadali akong tinginan yung sinasabi ni Xyrine na kumakalat na balita.

"LOVE SHIPPERS?" sigaw ko.

"Ang cute kaya bes."

Anong cute dito? Nakakainis!

'Mr. Love and Ms. Love Hurtt? Ano sa tingin nyo guys? May something silang dalawa noh?'

May page pa silang ginawa para samin? Ha! Nakakatawa lang.
Tapos may screen shots pa ng mga reply ni Mr. Love sa blog ko.

Nagvibrate naman ang phone ko kaya chineck ko kung sinong nagmessage.

Ms. Hope:
Good morning Love!
Bukas na ang release ng first batch ng "Love Hurts 101". Mag-oorganize din kami ng event para sa fans mo na magpapasign ng book.

Me:
Sige po. Thank you Ma'am! :)))

Oh my goshhh! Excited na ako!

L♡VE HURTS 101 [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon