HUGOT (9)

61 7 0
                                    

Love Hurtt's Pov

Maaga palang ay madami ng tao ang nagpunta sa "Love Hurts 101 book fair".

Karamihan ng nandito ay mga followers ko. Natatandaan ko ang iba sa kanila dahil madalas silang nagrereply sa mga posts ko.

Lumapit naman sakin si Ma'am Hope para magcongrats at ang iba pang kateam ko sa Ohmygosh Publishing Company.

Nahagip ng mga mata ko si Clifford na may kasamang ibang babae at yun ay si Anne.

Nagtama ang mga mata namin kaya ngumiti nalang ako. This time eto na yung ngiting totoo. Yung walang halong kabitteran.

Tinawag na ako nga host ng event kaya sumunod na ako
Huminga ako ng malalim bago magspeech.

"Magandang araw sa inyong lahat. Siguro nagtataka kayo kung ano nga ba ang pinagmulan netong 'Love Hurts 101'. Ngayong mapapublish na siya. Gusto kong ibahagi sa inyo ang kwento sa likod ng lahat ng hugot na nasa librong 'to."

"This past few days... Narealize ko na nasobrahan na ako sa pagiging bitter to the point na nakalimutan ko ng mahalin ang sarili ko. After nung event na 'Blog mo, Ikwento mo' ay nakita ko yung lalaking naging dahilan kung bakit nasaktan ako."

Tumingin ako kay Cliff at Anne kahit naluluha na ako.

"Sana tapusin nyo ang pagbabasa ng librong 'to dahil sa huling pahina nito sana may matutunan kayo.

Everyone knew me as 'Bitter Queen'. Lahat alam na ayoko ng Love at hindi ako naniniwala dito. Nung bata pa kasi ako... Naghiwalay na ang mga magulang ko. Ayokong mangyari sakin yun, natakot akong masaktan pero nung makilala ko ang lalaking minahal ko ng lubos nasaktan nanaman ako. Sinabi ko sa sarili ko na tama na. Ayoko na!

Pero hindi ko padin siya makalimutan eh. Andito padin yung sakit. Hanggang sa sinimulan ko ang 'Love Hurts 101' sa isang simpleng blog. Dun ko inilabas lahat ng Hugot ko. Pero ngayong nakikita ko ang lalaking nakasakit sakin parang wala na. Wala na lahat ng sakit.

May nakapagsabi kasi sakin na,

You're broken because of LOVE.
But I promise to you... LOVE will also heal your broken heart."

Huminga ulit ako ng malalim.

"Napagtanto kong tama siya. Naging OA lang siguro ako noon kaya ako sobrang nasaktan. Pero lahat ng yun sulit dahil gumaan na ang pakiramdam ng puso ko ngayon.

Sa lahat ng taong nasaktan, nasasaktan at patuloy na masasaktan. Hugot lang ng hugot dahil sinisigurado kong sulit lahat ng yan.

Sa taong nagparealize sakin ng lahat, kung nandito ka man. Thank you very much.

Yun lang salamat sa inyo!"

Nagpalakpakan ang lahat ng tao.
Ngumiti naman ako kahit na patuloy padin sa pagpatak ang mga luha ko.

Matapos nun ay pumila na ang mga tao para magpapirma ng libro nila.

Ilang oras din akong nagtagal para pirmahan ang libro nila. Masaya naman ako dahil nagustuhan nila ang 'Love Hurts 101'.

Nasa lima nalang ata ang mga natitirang magpapapirma. Inabot naman ng sumunod ang libro kaya agad kong pinirmahan yun pero ng maibalik ko na yun sa kaniya ay tumalikod agad siya at hindi ko na naaninag la ang mukha niya.

May naiwang note na siguradong galing sa lalaking yun.

Broken? Or not?

Yours truly,
Mr. Love

I smiled. Finally, I already moved on with the help of LOVE....

Thanks to Mr. Love!

L♡VE HURTS 101 [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon