Malaya

31 0 0
                                    

Sa pagdilat ng mata'y aking nasilayan
Pinta ng luha'y naramdaman
Ang agos ng damdami'y bumuhos
Pilit kong sinundan ngunit di umabot.

Tinatanaw ng puso sa malayo
Bakas ng ating kahapo'y naglaho
Mga kamay unting bumibitaw
Nilimot ang damdaming dati'y sigaw

Kung siya ang pinipili bakit hahadlang?
Kung sa kanya'y mapupunan ang bawat patlang
Aking pag-ibig ay ibubulong na lamang
Sa hangin idadaing walang hanggan

Palaging isasaisip, ako'y naririto
Handang makinig kahit pa masaktan ako
Mas nanaisin na ika'y lumigaya kasama niya
Pagka't hindi ko magagawang sa'ki'y ika'y sumaya

Malaya na, ako'y magpaparaya.
Di dahil sumuko kindi dahil mahal kita.
Ipipikit ang hapdi, handang magpaalam
para sa iyo ako ay ngingiti na lang

Midnight ThoughtsWhere stories live. Discover now