Ikaw at ako. Tayo!

13 0 0
                                    

Nagsimula sa kwentuhan, tawanan.
Sinabayan pa ng mga biro at asaran.
Nang ika'y lumapit, hindi nakapagsalita.
Noon pa lamang may iba nang nadama.

Sa pagtagal nga'y lalong lumalim pa.
Pagtingin ko sa'yo'y lalong nag-iba.
Bawat minutong ikaw ay kasama
Mundo'y unti unting nag-iiba.

Ikaw at ako, tayo! Magkaibigan o ano?
Nalilito na rin pati ang puso ko.
Nasaan nga ba ako sa buhay mo?
Ikaw at ako. Tayo ba? Sana'y sabihin mo.

Nang hinawakan mo aking kamay
Tumigil ang mundo't hindi ako nakasabay.
Ano ba ito? Hindi ko mawari.
Ang pagtibok ng puso, may sinasabi.

Gusto kitang makasama kahit sandali
Masilayan ka lamang, makita ang ngiti.
Ok na sa akin pagmasdan ang yong mukha
Isang tingin mo lang, puso ko'y kumakaba.

Midnight ThoughtsWhere stories live. Discover now