Ikaw pa rin

11 0 0
                                    

Pagpikit ay kasabay ang mga luha
Ngingiting parang walang nag-iba.
Titingin sa iyong mga mata
Sasabihin na lalaban pa.

Sa paglayo ko'y biglang bumuhos
Ang mga sakit na tumatagos.
Bibitwan na ba kita?
Iiwan na ba kita ng basta?

Salamat sa mga araw ng ligaya.
Sasabihin hanggang kaya ko pa.
Paulit ulit na sasambiting mahal kita.
Pipiliin kung saan ka sasaya.

Bawa't hakbang ko'y papalayo
Hindi alintana ang dulot nito.
Mawala ka man sa akin,
Masakit man sa damdamin.
Ika'y akin nang palalayin.
Pakinggan ang awitin.

Kahit na hindi ka kasama.
Iibigin ka kahit malayo pa.
Tatanawin ang minsa'y sa akin.
Ngunit sigaw nitong puso'y ikaw pa rin

Midnight ThoughtsWhere stories live. Discover now