The Start

557 4 0
                                    

Chapter I : The Start

Nakakasilaw na ilaw. Mausok na paligid. Malakas na music. Mga taong nagsasayaw sa gitna na mapang-akit. Naglalandian. Mga lalaking mabibiktima ko ngayong gabi. 

Nasa Zero Gravity Bar nanaman ako. Kung di pa halata sa mga sinabi ko, lagi akong laman ng mga bar at nagsasaya. Para sakin kase, life is too short para gawing pang complicated. Mas maganda kung magsasaya ka at live your life to the fullest. Walang iniintindi. As in wala. 

"One Cosmo please. Make it fast." sabi ko sa bartender sabay kindat sa kanya.

Sumulyap sya sakin at biglang natameme. -___-

Hmm... Newbie to sa bar na to. Ngayon ko lang nakita tsaka natameme pa sakin. VIP kase ako dito dahil sa madalas na nandito na ako gabi gabi and popular na ang pangalan ko dito. 

I can't really blame him. Sino ba naman ang hindi mabibighani sa kagandahan at kasexyhan ko? 

Kailangan pa bang idescribe ang kagandahan ko? Since gusto niyo malaman, eto na nga. >.<

Light brown hair and kisssable lips ang namana ko kay Daddieloves. Tapos kay Mommieloves, ung sobrang puti niya at sexy eyes niya.Dark brown ung mata ni Dloves tapos light blue ung kay Mloves pero pag malayo mukha siyang gray pero blue talaga siya actually. Pareho silang may height at pointed nose. Mas matangkad syempre si Dloves kase 6"1' sya eh. -__- Syempre ang height ko ay 5"7', matangkad na. Pero maliit pa din sa mga kamag anak ko. Grabe kase sila mag sipag laki. -_- At di mawawala na Sexy ako. Period. XD

Inisnap ko ang fingers ko sa mukha niya. Mukha kaseng may planong titigan na lang ako. -___-

"Hey! Ung Cosmo ko? Asan na pogi?" Bigla naman siyang natauhan tsaka mabilis na gumalaw  para gawin ung inumin ko.

Lalaki talaga. Psh. Andaling maakit at landiin. 

Tumingin tingin ako sa paligid para makita kung may mabibiktima ako ngayong gabi. Madami dami na din kase ung mga tao.

Siguradong may makukuha ulit ako ngayon. Lalo na't ganito ang suot ko. Nag effort ako nuh. Special Day kase ngayon. ^_^

Iba't ibang tingin ang natatanggap ko ngayon. Sa mga lalaki, lust and admiration ang nakikita ko.  Yung kulang na lang, sakmalin na ako.

Samantalang ang mga babae, parang gusto akong sunugin at patayin sa mga titig nila. -____-

Well, I don't really care. Sana lang naman, tanggapin na lang nila na natural ang sobrang ganda at sexiness kaya't wala talaga akong magagawa. Attention Catcher ako eh.

Di nila ako magiging kasing ganda at sexy. Halata namang sagana ako ng isang daang paligo sa kanila nuh. Itsura pa lang nila, wala ng panama sakin. Lalo na ung mga mukang nagmamaganda, naku, ang sarap i-ngudnod. >:)

Nilapag ng bartender sa harap ko ung inumin ko habang hinihingal pa sya. Kaawa naman. Halatang namadali. 

"Heto na Miss." Habol hininga niyang sabi sakin. 

Tinikman ko muna tsaka hinila ung uniform niya at hinalikan. Sa pisngi.

Bumulong ako sa tenga niya ng "Thanks." Sabay punta eagle's eyeview ng bar, sa may VIP section. Kita ko sa peripheral view ko na namula sya at nakatitig sakin haggang sa makaalis ako. 

~

Nakaakyat na ako sa favorite spot ko. Ang Eagle's View. Yun ang tawag ko dun sa lugar na yon. Bakit Eagle's View?

Kase dun ko titignan ang mga lalaking paglalaruan ko ngayong gabi. 

Kumbaga, seducing just for fun. Hobby ko na ata un pag pumupunta sa bar. Di matatapos ang gabi ng wala un. 

Seduction 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon